Janella at Markus, mahigpit ang quarantine
Balik-Manila sina Janella Salvador at Markus Paterson with their son Jude.
Sa London nanganak si Janella at given na mas intense ang magiging quarantine nila ngayon dahil galing sila sa UK kung saan sinasabing deadly ang new variant ng coronavirus na galing doon.
September last year nang bumiyahe si Janella sa UK kung saan naka-base ang parents ni Markus.
At kahit maraming speculations noon, last January lang nila inilantad ang kanilang baby.
Makikita sa social media accounts nina Markus at Janella ang pagbiyahe nila pabalik ng Pilipinas.
Pagbubukas ng mga sinehan at iba pang pasyalan, kinokontra pa
Makakapag-operate na partially ang mga cinema sa Metro Manila na kinontra pa rin ng karamihan sa takot na sumirit ang bilang ng may COVID-19 sa bansa.
Kasama nga ang cinemas sa iba pang industries na magre-reopen na sa ilalim ng General Community Quarantine para diumano’y makatulong para maka-recover ang ekonomiya ng bansa.
Pinayagan na ring mag-operate sa ilalim ng GCQ ang libraries, archives, museum, cultural centers, gaming arcades, theme parks, historical landmarks at natural sites. Kasama rin dito ang ibang establishments na accredited ng Department of Tourism, puwede na ang social events, conferences and exhibitions.
- Latest