^

Pang Movies

Anne, parang hindi nawala ng isang taon

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nakabalik na si Anne Curtis sa Pilipinas matapos na manatili sa Melbourne, Australia ng isang taon. Nagpunta siya roon noong December 2019 para manganak, na mabuti naman dahil nagkaroon nga ng pandemic, at ano man ang sabihin ninyo, mas magaganda ang facilities ng mga ospital sa Australia kaysa kung naririto siya sa Pilipinas. Nanganak si Anne noong March 2, iyon ang panahong nagkakagulo na sa Pilipinas dahil hindi pa nila alam ang gagawin sa COVID. Ilang araw lang, total lockdown na.

Kaya nga masasabing masuwerte na rin si Anne at lalo na ang kanilang baby na si Dahlia, dahil naging mas panatag ang loob nila at kalagayan sa Australia.

Pagdating nila sa Pilipinas ay sumailalim sa swab test si Anne, at kasama ang kanyang pamilya ay tumuloy muna sa isang hotel dahil sa mandatory quarantine sa mga galing abroad. Ngayon naka-isolate pa rin sila sa bahay dahil mandatory nga iyong labing apat na araw na isolation para sa kanila.

Kung iisipin,wala namang nawala kay Anne, dahil na-lockdown din naman ang industriya ng pelikula, at nasara rin naman ang ABS-CBN. Baka nga kung naririto siya ay na-tension pa siya nang husto dahil sa mga nangyari. Kasabihan na sa showbusiness, masama iyong mawala ka nang matagal na hindi ka nakikita ng mga fans. Sabi nga nila, maski si Sharon Cuneta, nag-isang taon lang sa Boston, noong bumalik ay hindi na gaya ng dati, at nahirapan nang bumawi.

Pero sa kaso ni Anne, nananatili nga siyang visible kahit na papaano dahil sa social media na wala pa naman noon, at saka nasabay ngang wala rin namang nangyayari sa career ng iba dahil sarado ang industriya. Hanggang ngayon hindi pa naman nakakabawi ang industriya dahil ang ginagawa mas masahol pa sa mga pitu-pito noong araw dahil inilalabas lang naman sa internet. Siguro, sabi nga nila, baka mga dalawang taon pa bago makabawi nang husto ang industriya.

Iyan naman ang dapat na paghandaan ni Anne. Siguro hindi siya kikita ng kagaya ng dati pero mas mabuting magtiis na lang muna siya kaysa makagawa ng mga proyektong pitu-pito na mas makakasira pa sa kanya.

Ibang producer, wala nang pakialam sa maling values sa mga pelikula

Ang mga pelikulang ipinalalabas sa internet ay hindi saklaw ng batas na lumikha sa MTRCB, kaya walang kahit na anong review na ginagawa sa mga iyan bago ipalabas. Kung mayroon kayong duda sa content ng palabas, halimbawa ay bastos o may masamang values, huwag ninyong panoorin, at pagsabihan ang inyong mga anak na huwag ding panonoorin.

 Sinasamantala ng iba na hindi nga iyan saklaw ng MTRCB, para maipasok ang mga kahalayan, at maling values. Papayagan ba natin iyan? Mag-isip kayo.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with