^

Pang Movies

Regine at Ogie, naka-quarantine!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Regine at Ogie, naka-quarantine!
Regine

Alam mo, Ateng Salve, after magpadala ng press statement ang ABS-CBN kahapon na na-expose si Regine Velasquez-Alcasid sa isang taong nag-positive sa COVID-19 kaya nga postponed ang Freedom digital concert niya na dapat sana ay sa February 14 magaganap, kinumusta ko kaagad ang mister ng Asia’s Songbird na si Ogie Alcasid. Sabi naman ni Ogie, ok naman sila ng kanyang pamilya.

And like Regine, naka-quarantine rin daw siya. “We’re ok naman. Sa bahay lang kami, naka-quarantine, we can’t go out!” sabi ni Ogie.

Nagpa-PCR swab test na rin sila at negative naman daw ang result. “Yes, negative naman kami. Medyo distancing nga lang sa mga kasama namin sa bahay. Haaay… Pack-up din ang taping ko ng Your Face Sounds Familiar.

“Dami nga nagme-message, nangungumusta. Thank you talaga. Thank you rin at ok kami,” sabi pa ni Ogie.

Sa panahon talaga ngayon, Ateng Salve, kapag na-expose ka sa isang nag-positive sa COVID-19, talagang kailangan mong mag-quarantine rin. Eh, si Ogie pa naman, sinabing excited din siya sa Freedom digital concert ng kanyang wifey, pero talagang ganyan, wala silang magagawa kundi ang mag-quarantine nga.

Isipin na lang natin na mas mapapaganda pa ni Regine ang kanyang online concert once na matuloy na ‘yon.

Samantala, happy nga pala si Ogie dahil maraming mga kapwa niya celebrities ang nagpo-post sa TikTok ng The Eydie Waw Challenge kung saan isinasayaw ng mga ito ang new single niya na Maga Ako, Manas Ako.

Bongga!

Aktres at actor/politician, minamalisyahan ang relasyon

Naku, Ateng Salve, nagkatsikahan kami ng isang aktres na pinagdududahan mo na karelasyon na ng isang actor/politician at nabanggit ko sa kanya na akala mo nga ay may relasyon na silang dalawa pero nag-deny ang aktres.

Feeling ko rin, wala pa talagang relasyon ang dalawa.

Ni ayaw ko ngang tanungin si aktres kung nanliligaw na ba sa kanya si actor/politician dahil feeling ko rin naman ay good friends lang talaga silang dalawa.

Aware naman si aktres na maraming kinikilig kapag inili-link silang dalawa, pero hintayin na lang natin if they will take to the next level nga ba ang friendship nila.

Huwag muna natin silang pangunahan, Ateng Salve. Hehehe!

Anyway, ang alam ko, parehong relationship-free si aktres at actor/politician, so baka nga naman posibleng magkaroon ng something sa kanila.

Pero as of now, wala pa talaga, huh! ‘Yun na!

vuukle comment

ABS-CBN

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with