^

Pang Movies

Marian, ayaw munang gumawa ng iyakan

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Marian, ayaw munang gumawa ng iyakan
Marian

Trabaho muna ang haharapin ni Marian Rivera bago ang pagbubuntis. Kahit wala pang kumpirmasyon, gusto niyang sitcom ang gawin muna bago ang iyakan. “Mas masaya ang sitcom dahil magaan sa work. Siyempre, gusto kong si Dong (Dantes) ang kasama ko,” pahayag ni Marian sa second year renewal niya bilang endorser ng WalterMart.

Sa TV commercial ng Walter Mart, kasama niya ang anak na si Zia. “Natutuwa ako dahil si Zia ang lumabas na anak ko. Kaya totoong-totoo ang pag-uusap namin,” dagdag ni Yan.

Malaking tulong para kay Marian ang online shopping ng WalterMart. Inililista lang niya ang kailangang bilhin at idini-deliver na lang sa bahay. “Gusto ko siyempre ‘yung best for my family!” deklara ni Yan.

Thirty nine branches meron ngayon ang WalterMart at hassle-free na grocery shopping through waltermart.com. Eh ano ang plano nilang mag-asawa ngayong Valentine’s Day? “Sa bahay lang kami. Simpleng dinner lang at siyem­pre, kasama namin sina Zia at Ziggy! Family date! Simple lang pero enjoy na kami dun!” ani Yan. Pagkatapos?

“Naku, wala muna. Bata pa si Ziggy. Magagalit na manager ko at GMA! Ha! Ha! Ha!” diin niya.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with