^

Pang Movies

Kim, nagbigay ng pampasuwerte/pampajowa tips sa Chinese New Year

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kim, nagbigay ng pampasuwerte/pampajowa tips sa Chinese New Year
Kim

Sa latest vlog ni Kim Chiu ay ibinahagi niya ang kanyang mga ritwal o preparasyon sa nalalapit na Chinese New Year ngayong Feb. 12.

As we all know ay full Chinese ang tatay ni Kim at lumaki siya sa kultura ng Chinese kabilang na nga ang pagse-celebrate ng Chinese New Year taun-taon.

At tulad din ng mga typical Chinese, naniniwala rin si Kim sa mga feng-shui experts, Chinese horoscope at Chinese lucky charms. Kaya naman ang una niyang preparasyon na ipinakita ay ang pagpunta sa isang feng-shui expert sa Binondo para magtanong ng mga pampasuwerte tips sa Year of the Metal Ox ngayong 2021.

Natuwa naman siya nang sabihin ng feng-shui expert na masuwerte raw sa mga taong ipinanganak sa Year of the Horse na tulad niya ang 2021.

Pero ‘yun nga lang, hindi raw masuwerte ang taong ito para sa Year of the Snake na Chinese zodiac sign ng boyfriend na si Xian Lim. “Oh my gosh, Xi, this will be a challenging year for you! Kaya mo ‘yan!” mensahe ni Kim kay Xian.

Maraming ibinigay na guide, advice at tips ang feng-shui expert tungkol sa love, business, career, gayundin ang mga bawal at hindi bawal gawin ngayong taon.

Sumunod na ginawa ni Kim ay nilagyan ng pampasuwerte ang kanyang bahay at inilabas ang kanyang mga kabayong figurines since masuwerte nga raw ang Year of the Horse. Nagsindi rin siya ng incense na aniya ay pang-recharge at pang-alis ng bad vibes.

Ibinahagi rin niya ang mga pagkaing “must-have” sa Chinese New Year tulad ng tikoy, pansit for long life, steamed fish na dapat daw ay nasa gitna ng table for abundance, circle-shaped fruits for money, shrimp for abundance pa rin daw at green vegetables.

Masuwerte rin daw na magsuot ng red underwear sa Chinese New Year para sa mga gustong magka-love life. Effective raw ito dahil ginawa na niya before. Pinayo rin daw niya ito sa friends niya at nagkaroon daw ng dyowa ang mga ito.

Payo rin niya na huwag linisin ang bahay pagsapit ng Bagong Taon for the next three days dahil aalis daw ang suwerte. “Sabi lang ng lola ko, so ‘yun ang ginagawa namin for so many years. So, huwag maglilinis ng bahay kahit sobrang dumi na siya, okay lang ‘yun,” aniya.

Ayon pa kay Kim ay proud siya sa kanyang Chinese roots at kitang-kita naman talaga ito sa aktres.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with