^

Pang Movies

Marian at Dingdong, sa bahay lang nag-shooting ng TVC

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Marian at Dingdong, sa bahay lang nag-shooting ng TVC
Marian at Dingdong

Sa bahay nila ni Dingdong Dantes kinunan ang TVC ng 2021 at new campaign ng WalterMart kung saan, kasama na ni Marian Rivera ang eldest nilang mag-asawa na si Zia.

Ipinagpaalam ng WalterMart kina Dingdong at Marian kung puwedeng makasama ni Marian si Zia sa TVC na agad namang pumayag ang mag-asawa. Sabi nga ni Marian, hindi siya papayag na hindi niya anak ang makakasama sa TVC at mas real nga naman kung tunay na mag-ina ang mapapanood.

Sa mediacon ng WalterMart, natanong si Marian sa Valentine’s Day date nila ni Dingdong at dahil pandemic pa rin, sa bahay lang sila magde-date at kasama ang dalawa nilang anak. Spaghetti ang lulutuin niya that day na request ng kanyang mag-ama.

Lea, appreciated na tahimik ang 50th birthday

Birthday ni Lea Salonga sa February 22 at 50 years old na siya, Golden Girl na siya at gustuhin man niyang mag-party, hindi puwede dahil sa pandemic. Kaya post nito, “Only two weeks and one day before my golden birthday. That I still look forward to my birthday is, I think, a good thing! But for 2021, no big party, no concert, nothing. Just the gift of quiet, which is a rarity in more normal times, so I’ll take and appreciate it.”

Sef at Andre, magka-date sa V-Day

Sina Sef Cadayona at Andre Paras ang magka-date sa Valentine’s Day dahil magkasama nilang panonoorin ang pilot episode ng Game of the Gens na pilot sa February 14 at sila ang hosts. Pagkatapos manood, uuwi na raw sila at kailangang sundin ang safety protocols ng GMA Network na bawal ang gumala-gala.

Kay Andre puwedeng si Sef lang ang kanyang ka-date sa Valentine’s Day, pero ang alam namin, may girlfriend si Sef at kahit man lang sa Zoom, magkaroon sila ng bonding. Ito ay kung hindi sila puwedeng lumabas.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with