^

Pang Movies

Ruffa at dating asawa, nagkaayos na!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Ruffa at dating asawa, nagkaayos na!
Ruffa

Si Ruffa Gutierrez habang katsikahan ang mga kapatid sa intimate birthday dinner sa White Plains house nila ng tatay nilang si Eddie Gutierrez last Saturday.

Matagal din sa lock-in taping ng FPJ’s Ang Probinsyano ang kapatid nilang si Richard Gutierrez, kaya maraming tsika si Ruffa nang magkita silang magkakapatid.

Narinig ko ang kuwento ni Ruffa na after a long time, nagkausap na naman sila ng ex-husband niyang si Yilmaz Bektas. Mukhang ok naman ang telephone conversation nina Ruffa at Yilmaz dahil masaya naman ang pagkukuwento niya sa kanyang mga kapatid.

Mukhang puwedeng maging magkaibigan ang mga magulang nina Lorin at Venice.

Anyway, sa pagkukuwento ni Ruffa tungkol kay Yilmaz ay bigla ko tuloy naalala na sa March 25 ay 18 years na sana silang kasal, pero nauwi nga sa hiwalayan ‘yon.

Sa kuwentuhan din nilang magkakapatid ay nabanggit ni Ruffa na katatapos lang niyang mag-online para sa virtual finale presscon ng weekly sitcom niya sa TV5, ang Stay-In Love. Last two episodes na lang daw kasi sila.

Regine, nilibot ang fans sa ASAP 

Ang pa-Instagram live kahapon ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

Habang inaayusan si Regine sa ASAP Natin ‘To dressing room nila ng mister na si Ogie Alcasid, naisipan niyang mag-IG live na kinatuwa ng followers niya.

Matagal na raw siyang hindi nakakapag-IG live at naiisipan lang niyang gawin uli ‘yon kahapon. ‘Kaaliw lang si Regine dahil nang i-promote niya ang kanyang Freedom virtual concert (sa February 14 na ‘yon), sinabi niya na promise, maganda ‘yon. “Maganda ‘yung show (Freedom). Promise! Siyempre sasabihin ko ‘yon, alangan namang sabihin ko na panget, ‘di ba?!” dagdag ni Regine.

Naglibot din sa backstage si Regine at ipinakita ang kabuuan ng studio, pati mga staff, stars and singers na kasamahan niya sa ASAP Natin ‘To sa kanyang IG live.

Kahapon nga pala ang start ng month-long 26th anniversary presentation ng ASAP Natin ‘To.

vuukle comment

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with