Label na Popstar ni Geneva, tinanggal na
Nagbigay ng mensahe si Geneva Cruz sa fans ni Sarah Geronimo (Popsters) dahil sa titulong Pop Royalty na inilagay sa ilalim ng kanyang pangalan sa promo poster ng Your Face Sounds Familiar.
Isa sa contenders ng new season ng YFSF si Geneva at nakita nga rin namin ang promo poster niya labeling her as the Pop Royalty.
Of course, we all know na ang nasabing title ay kay Sarah G. at matagal na talaga itong naka-tag sa kanya. Kaya naman marahil, may nag-react na Popsters (tawag sa fans ni Sarah) for labeling Geneva as the Popstar Royalty.
Sa kanyang Facebook page ay in-address ni Geneva ang bagay na ito at nagpaliwanag na hindi siya ang may gusto na bigyan siya ng ganitong title.
“Hindi ko po inaasahan na manalo, ang gusto ko lamang po ay ang mag-enjoy sa pag-transform into my favorite music icons. Everyone is cool, mukhang masaya ito. This is just what the country needs kasi ang daming negative vibrations diba? #Music and #laughter are always good for the soul,” ang bungad ni Geneva sa post.
“And sa fans ni Sarah G., please don’t be upset with me; I didn’t ask them to give me that title, nagulat din ako na yan ang tawag sakin. I just want to be called by my name, and I only want to perform and not offend anyone.
“I just asked the Executive Producer from ABS-CBN to change their description of me para walang confusion,” dagdag na paliwanag ni Geneva.
She also expressed her gratefulness to be given the opportunity to perform again amid the pandemic.
“Napakahirap kasi for performers and musicians to get a chance to actually be on stage and perform dahil po sa pandemic, that’s why I’m very grateful for this opportunity. Sana suportahan ninyo ako, feeling ko ako yung bagong salpak eh, ang tagal ko din kasing nawala sa Pilipinas,” pahayag pa ng singer at miyembro ng dating sikat na singing group na Smokey Mountain.
Waray... tapos na ang recap
Matapos ang tatlong linggong recap ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, ngayong Lunes ay magsisimula nang mapapanood na ang much awaited fresh episodes ng seryeng pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Kate Valdez.
Matatandaang bago tumigil ang tapings ng serye due to the pandemic, ang daming nabitin at na-suspense ang manonood sa karugtong ng kuwento nito at ngayon ay heto na nga’t mapapanood na nila ito finally ngayong Lunes ng gabi sa GMA Telebabad.
- Latest