^

Pang Movies

PJ, 6 ang anak sa tatlong babae

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
PJ, 6 ang anak sa tatlong babae
PJ

Hindi ikinakaila ng veteran singer-actor na si Rey `PJ’ Abellana na annulled na ang kanyang marriage sa kanyang unang misis, ang dating aktres na si Rea Reyes, ina ng Kapuso singer-actress at commercial model na si Carla Abellana kung kanino siya may isa pang anak na babae, ang elder sister ni Carla na si Erica Abellana.

PJ has remarried to his second non-showbiz ex-wife kung kanino rin siya nagkaroon ng dalawang anak pero nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama. Dalawa rin ang anak ng singer-actor sa kanyang ikatlo at present partner kaya anim lahat ang kanyang mga anak sa tatlong magkakaibang babae.

Hindi man umano niya kagustuhan na mahiwalay sa mga ina ng kanyang mga anak, umaasa siya na sana’y panghuli na ang kanyang pangatlo at kasalukuyang partner.

Samantala, ngayong nasa bakuran na siya ng Viva with his younger brother na si Jojo Abellana, umaasa si PJ na mas marami siyang proyektong magagawa both sa TV at pelikula.

Ang magkapatid na PJ at Jojo ay parehong kasama sa true-to-life movie na Mamasapano SAF-44 ng Borracho Films.

Andre, handa na sa mga intriga

Nasa bakuran na ng Viva Artists Agency (VAA) si Andre Yllana matapos itong lumagda ng exclusive five-year management contract with the company.

Aminado ang binata na kinakabahan umano siya sa kanyang paglagda ng management contract with Viva but at the same time ay excited siya dahil may pagkakataon siyang makatrabaho ang marami sa contract stars and talents ng kumpanya at maging ng iba’t ibang TV network.

Hindi ikinaila ni Andre na nahirapan umano siyang balansehin ang kanyang studies at showbiz career kaya nag-focus muna siya sa kanyang pag-aaral sa Don Bosco kung saan ay graduating student na siya ng automotive course.

Ayaw namang mag-comment ni Andre sa kinasasangkutang kontrobersiya ngayon ng kanyang amang si Jomari Yllana sa dati nitong karelasyon at ina ng kanyang dalawang half-siblings (sa father side) na si Joy Reyes.

Kung saka-sakali, handa na rin ba siyang sumabak sa kontrobersiya? “Handang-handa na po ako although hindi ko naman po gusto na magkaroon ng kontrobersiya ang buhay ko,” pahayag pa niya.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with