^

Pang Movies

Marian bongga ang kinikita kahit nasa bahay!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Marian bongga ang kinikita kahit nasa bahay!
Marian

Ibabahagi ni Marian Rivera ang kanyang parenting skills sa Lunes, Pebrero 8, 5PM sa live chat ng Smart Parenting Facebook page.

Ibinahagi ito ng fan group na Dongyanatics sa kanilang Instagram account.

Ang pagiging parent sa panahon ng pandemic ang ibabahagi ni Yan. As we all know, super-dedicated si Marian sa dalawa niyang anak na sina Zia at Ziggy.

Ipinagpalit nga niya ang isang regular series sa GMA upang tutukan ang bunsong si Ziggy na dumedede pa sa kanya hanggang ngayon.

Eh nandiyan naman ang kanyang sariling negosyo na sa bahay lang niya ginagawa at patuloy pa rin ang kanyang endorsements ng produkto na ibinabahagi nito sa kanyang social media accounts.

Host laging handa pag naggi-guest, umaasang magiging regular sa show

Naaaliw ang mga staff ang isang male celebrity kapag naggi-guest sa show ng isang host.

Kasi naman, grabe ang dami ng dalang damit nito eh hindi naman siya regular ng programa, huh!

Eh mabuti sana kung sosyalin ang dala-dala niyang damit pero hindi. Masyado daw pabida ang celeb sa host ng programa nang sa gayun eh maipaalam na prepared siya sa gagamiting damit kung sakaling kunin siyang regular sa show!

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with