^

Pang Movies

Kris, gustong manAhimik

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kris, gustong manAhimik

Sa probinsiya na pala titira sina Kris Aquino at mga anak niya. Siguro nga ay nakita rin nila kung bakit enjoy na enjoy si Joshua sa Hacienda Luisita kaya naengganyo sina Kris at Bimby na tumira na rin sa probinsya.

Sabagay, dahil nga mas madalas sa loob ng bahay si Kris dahil sa kanyang health condition kaya siguro hinanap na niya ang mas quiet na paligid. Siguro dahil healthier din ang hangin at pagkain sa probinsiya kaya naisip niya ang bagay na ito.

Saka si Bimby mukha namang mas enjoy sa loob ng bahay at hindi mahilig sa sosyalan, kaya nga pumasok sa isip nila ang mag-stay muna sa probinsiya.

Saka siyempre, kung sa beach front, bongga ‘yun, fresh ang hangin at pagkain.

Ayaw ni Ali Sotto. Hahaha.

Mga anak ng artista, kanya-kanyang suwerte

‘Yung mga anak ng mga artista na gusto sanang sundin ang yapak ng mga magulang nila, hindi lahat nagtatagumpay.

Si Luis Manzano, suwerte dahil nakita ang talent niya sa hosting. Si Ricky Davao nauwi sa directing. Mabuti na lang at ‘yung iba sumunod sa gusto ng mga parent nila na magtapos sa pag-aaral, like ‘yung mga anak nila Tirso Cruz, sanda­ling nag-try sa showbiz, pero ended up na ginamit ang mga kurso na tinapos nila.

Si KC Concepcion, kahit hindi active sa showbiz, sa mga negosyo at advocacy niya ito nakatutok.

‘Yung mga anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong, nag-try ng konti, then doon din sa mga tinapos na kurso nag-end up. Si Mariel de Leon na tapos at isang chef, modeling naman ang hinarap sa US.

Sina Rap at Renz Fernandez kung sakali puwede ring maging private citizen at hindi artista dahil parehong college graduate.

Ang sayang ay si Mark Anthony Fernandez na sana ay isang bright star kung hindi lang nalihis ang landas. Isang mahusay na aktor na naging sikat na matinee idol, pero pinabayaan ang lahat ng breaks na ibinigay sa kanya.

Stardom is like politics, so many are called but few are chosen. Kanya-kanyang suwerte, kanya-kanyang place sa mundo, ‘pag hindi puwede, huwag ipilit, humanap ng ibang puwede sa iyo.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with