^

Pang Movies

Bea at Dominic, pilit pa ring nanlilito sa kanilang relasyon

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Bea at Dominic, pilit pa ring nanlilito sa kanilang relasyon
Bea at Dominic

Ayun, may nakakuha rin pala ng litrato nina Bea Alonzo at Dominic Roque na magkasama sa bakasyon sa Amanpulo. Kung noon, solo-solo pictures lang ng dalawa ang lumalabas, this time, magkasama na sila. Iyon nga lang, malayo ang kuha, long shot, pero alam pa rin na sila ang nasa litrato.

Ito ‘yung litrato na naka-black one piece swimsuit si Bea at kinukunan siya ng picture ni Dominic at parang tinuturuan pa ni Dominic kung paano mag-pose. Curious lang kung sino ang kumuha ng litrato at sino ang nagbigay sa nag-post ng litrato.

May picture pa na naglalakad sina Bea at Dominic, magkatabi sila, hindi nga lang kita ang mukha ni Dominic dahil tinakpan. Ang cute lang ng mga ginagawa ng dalawa para iligaw ang tao na hindi sila magkasama.

Fans nina KC at Frankie, nagsabong

May mga tao talagang walang magawa dahil pilit na kinukumpara ang magkapatid na KC Concepcion at Frankie Pangilinan. Nang mag-post si Sharon Cuneta ng suporta kay Frankie sa mga basher nito, agad ang reaction ng netizens na kampi kay KC at siyempre, hindi papayag ang maka-Frankie kundi sumagot.

Ang hindi pa maganda, kinukumpara ang accomplishments ng magkapatid, kung sino ang mas maganda ang boses, kung sino ang mas magaling magsalita, kung sino ang mas magandang manamit. Pati visual kinukumpara na siyempre.

Pati pagdating sa mga isyu, kinumpara rin sina KC at Frankie at may nag-comment ng “unlike Frankie, KC doesn’t really speak her mind. I get the sense she is afraid and wants to be on the safe side, too agreeable. That’s sad. She maybe good in expressing herself in English but what’s there to listen to if there’s not much content. She isn’t really well-informed, add to that. Not exciting. I want someone with beauty, brains and sass.”

May nag-comment pa na playsafe raw si KC at nag-party na walang social distancing. Buwelta ng maka-KC, smart lang si KC for choosing her battles. Hindi raw lahat pinapatulan ni KC.

Dito na may ng-comment na tigilan na ng netizens na pagsabungin ang magkapatid at sina KC at Sharon. Tanong nito sa mga pinagkukumpara sina KC at Frankie kung may bayad ba sila. Napansin namin, walang sumagot. Hahaha!

vuukle comment

BEA ALONZO

DOMINIC ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with