^

Pang Movies

Charlie pinasisikat na!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Charlie pinasisikat na!
Charlie

Alam mo, Salve A., walang alinlangan na ang 2020 Metro Manila Film Festival Best Actress na si Charlie Dizon (24) for the movie Fan Girl na pinagtambalan nila ni Paulo Avelino ang tinatayang sisikat nang husto sa taong ito.

Si Charlie ang gagawing pangunahing bituin sa bagong sisimulang teleserye ng ABS-CBN na pinamagatang Viral na magkatulong na ididirek nina Dado Lumibao at Froy Allan Leonardo, ang tandem ng hit primetime TV series na The Killer Bride na pinagbidahan ng magtiyahing Maja at Janella Salvador.

Si Charlie ay isa rin sa mga bida ng iWant TFC movie na Four Sisters Before the Wedding na ipinalabas din noong isang taon.

Noong 2017 pa siya nagsimula sa mga support roles at kasama na rito ang Bagani at A Soldier’s Heart TV series. Napasama rin siya sa ilang pelikula noon tulad ng Finally Found Someone, Seven Sundays, Loving In Tandem, Sin Island at Pandanggo sa Hukay in a support role.

Bago ang kanyang screen name na Charlie Dizon ay gamit niya noon ang kanyang real screen name na April Matienzo. Ang kanyang full name  ay April Rose Dizon Matienzo and she’s turning 25 on April 12.

Lagare sa GMA?!

Si Maja Salvador na nga kaya ang sinasabing Kapamilya star na nakatakdang lumipat sa Kapuso Network?

May lumutang na balita na makakasama nina Heart Evangelista, Gil Cuerva at bagong Kapaso actor na si Richard Yap sa bagong magsisimulang serye na pinamagatang I Left My Heart in Sorsogon kung saan din makakasama umano ang isang (dating) Kapamilya actress.

Although wala pang kumpirmasyon sa balitang ito, marami ang nanghihinayang kay Maja dahil isa siya dati sa mga prime star  ng ABS-CBN na nagbida sa magkasunod niyang TV hit series, ang Wildflower at The Killer Bride bukod pa sa pagi­ging Dance Princess ng Sunday musical variety show na ASAP Natin `To.

May balita na magiging co-host umano ni Willie Revillame si Maja sa daily game show na Wowo­win hosted and produced by Willie himself.

Kung si Maja nga ang sinasabing lilipat sa bakuran ng GMA, hindi rin imposibleng mapasama siya sa Sunday musical variety show ng TV network, ang kanilang All-Out Sundays na tinatampukan nina Alden Richards at Julie Anne San Jose at iba pang Kapuso talents.

Aicelle, adjusted na sa pagiging ina

Mukhang ini-enjoy ng mag-asawang Aicelle Santos at Mark Zambrano ang kanilang more than two months old baby na si Zandrine Anne na isinilang noong December 5, 2020.

The stage-TV and movie singer-actress is breastfeeding her firstborn at hindi nito ikinakaila na the first two weeks was her adjustment bilang isang brand new mom. Pero sa kalaunan ay tanggap na niya ang bagong setup with their first baby ng kanyang journalist broadcaster husband na si Mark.

Kahit more than two months old pa lamang si Baby Zandrine, balik-trabaho na rin si Aicelle bilang isa sa judges ng kiddie singing competition na Center­stage kung saan niya mga kasama bilang hurado ang Concert Queen-producer na si Pops Fernandez at si Maestro Mel Villena. Sina Alden Richards at Betong Sumaya naman ang hosts ng nasabing programa directed by Louie Ignacio.

vuukle comment

CHARLIE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with