^

Pang Movies

John Lloyd, nagbebenta ng booking app

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
John Lloyd, nagbebenta ng booking app
John Lloyd

Parang ibang-iba na nga si John LLoyd Cruz at hindi na niya priority ang showbiz.

Kahapon ay dumalaw siya kay Cabuyao City Mayor Atty. Rommel Gecolea para i-present ang kanyang bagong project na booking app, ang Trike Now.

Yes, trike ang target ng group ng inactive actor at obviously si Cong. Dan Fernandez ang konek niya sa nasabing proyekto dahil kasama ito sa mga dumalo sa presentation ng proposal ni John Lloyd na kumalat sa social media.

Nauna nang sinabi ng Star Cinema na matutuloy this year ang comeback movie ni John Lloyd with Bea Alonzo.

Nabanggit din ng bilyonaryong negosyante ng Brightlight Productions na si Albee Benitez na nakikipag-negotiate rin sila sa aktor para sa possible projects nila with him.

Recently lang ay spotted si John Lloyd na nagmo-motor kasama ang anak na walang helmet.

Nauna nang naglunsad ng booking app si Dingdong Dantes, ang DingdongPH.

Bea, nilalantad na si Dominic

Matapos ang medyo matagal-tagal na ring pagde-deny, looks like gusto nang ipaalam ni Bea Alonzo na sila na nga ni Dominic Roque.

Kasalukuyan silang nasa Amanpulo na last year pa nila pinlano, nung time na nag-back out si Bea sa series sana nila ni Richard Gutierrez ayon sa isang source.

Aww baka nga naghintay ang aktres ng tamang panahon para ilantad si Dominic na matagal nang alam ng marami nilang kaibigan na sila na nga.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with