^

Pang Movies

Kylie, spoiled sa anak

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kylie, spoiled sa anak

Ang sweet ng panganay nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla na si Alas dahil binigyan si Kylie ng flowers at kahit bougainvillea lang ang ibinigay ng bagets sobrang na-touch si Kylie. Spoiled daw siya sa anak, “motherhood is hard but the reward is a thousand times sweeter.”

Samantala, super sweet ang anniversary message/greetings ni Kylie sa asawang si Aljur Abrenica.

“Happy monthsary. 10 years na tayong magkakilala. 10 years ng nasa buhay ng isa’t isa, bilang kaibigan, kasintahan, bilang kaaway at kakampi. Ang masasabi ko lang sobrang pasasalamat ko at kasama pa rin kita. Sa hirap man ginhawa sabay natin harapin, tawanan at iyakan natin ang buhay. Basta’t magkasama tayo. Tama bang Tagalog ko? Paedit ko nlng sayo mahal pag nakita mo na. It’s the thought that counts lol. Happy 119 months together.”

Sagot ni Aljur, “Tama naman Tagalog mo... ganun parin ang pagtingin ko. Walang nagbago.”

Hindi magkasama sina Aljur at Kylie sa kanilang anniversary, may lock-in shooting si Aljur sa Baguio yata kaya sa post niya ng litrato nila ni Kylie, sabi nito, “Missing the sunsets with u.”

John Lloyd, mga ‘trike’ang target sa bagong negosyo

Ang galing naman ni John Lloyd Cruz, naki­pag­kita siya kay Cabuyao City Mayor Atty. Rommel A. Gecolea at inilatag ang kanyang bagong project na Tricycle Booking App na Trike Now. Nasa presentation ni John Lloyd sina Cong. Dan Fernandez, Mike Aranzanso, at mga opisyal ng TODA ng Cabuyao.

Mukhang magkiklik ang project na ito ni John Lloyd dahil may mga request nang isama niya ang Cavite sa project na ito at iba pang lugar na mode ng transportation ang tricycle.

May mga nagdududa rin na magiging­ successful ang project na ito ni John Lloyd dahil may mga driver na wala raw Smartphones, pero kung ipo-provide niya ang Smartphones, baka mapapayag ang drivers na sumali sa Trike Now.

And speaking of John Lloyd, ang sabi, uunahin ni Bea Alonzo ang shooting ng movie nila kesa sa movie nina Bea at Alden Richards. Sa March na raw sisimulan ng ABS-CBN Films ang shooting ng nasabing pelikula.

Negosyong bulaklak ni Benjamin, patok sa Valentine

Panalo ang binuksang business nina Benjamin Alves at ng GF niyang si Chelsea Robato na flower shop at tinawag nilang House of Roses dahil tiyak na marami ang mag-o-order para sa Valentine’s Day. Ecuadorian roses ang ipinagmamalaki ng House of Roses na talaga namang magaganda.

Ang gaganda pa ng arrangement at tiyak na matutuwa ang mga makakatanggap ng mga mag-o-order.

Hindi na rin kailangan ng endorser ng dalawa dahil sila na ang endorsers at maganda ang ginawa nina Benjamin na before Valentine’s Day, nagpadala ng flower arrangement sa mga kaibigan nilang artistang babae.

Samantala, sa February 15, na ang pilot ng bagong series ni Benjamin sa GMA 7 na Owe My Love kapareha si Lovi Poe.

Sa isang interview, nagpahayag ng loyalty sa Kapuso Network si Benjamin. Sa laki raw ng tulong sa kanya ng network at dami na ng shows na ibinigay sa kanya, hindi niya naisip ni minsan na umalis sa network para lumipat sa iba.

Lani, nagpasalamat kay Raffy

Nagpasalamat si Lani Misalucha kay Raffy Tulfo dahil hindi lang siya tutulungan nito na mahanap ang former administrator ng kanyang Lyka at Bigo App na nanloko sa kanya. Ibinigay din ni Raffy ang P105,000 na nawala sa kanya dahil ninakaw nga ng pinagkatiwalaan niyang tao na may hawak ng kanyang Lyka at Bigo.

“Salamat Sir @raffytulfoinaction sa pagtulong nyo sa akin sa pag-absorb lahat ng tension, galit at sama ng loob ko kaya kalmado na ako sa fekchoor na ito.”

May post din si Lani sa kanyang kondisyon, “I’m still struggling with my singing. I cannot hear my voice well as well as the music. With the tinnitus being too predominant in my head is oftentimes driving me nuts. But with all of you cheering me on I’m slowly regaining my confidence. Thank you uli.”

Anyway, regular nang mapapanood sa All-Out Sundays si Lani na ikinatutuwa ng kanyang fans. Linggu-linggo na nga naman siyang mapapanood at mapapakinggang kumanta.

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with