^

Pang Movies

Manilyn, namatayan ng tatay

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Kahit may sarili na siyang pamilya, Kapuso singer-actress Manilyn Reynes has always been very close sa kanyang parents na sina Mommy Louching at Daddy Nelson na naka-base sa Cebu kung saan isinilang at lumaki si Mane.

As early as 2019 ay may sakit na ang ama ni Manilyn, kaya madalas ang pag-uwi ng Cebu ng singer-actress.

Noong nakaraang Martes ay malungkot namang ibinalita ng Pepito Manaloto star sa kanyang Facebook account na pumanaw na ang kanyang mahal na ama na madalas niyang kantahan kasama ang kanyang Mommy Louching.

Napangasawa ni Manilyn ang dati nitong kasamahan sa That’s Entertainment na si Aljon Jimenez at may tatlo silang  poging mga anak na pawang lalake, sina Kyle, Kirk at Kael na mga binata na.

Although kina Janno Gibbs at Keempee de Leon na-link noon si Manilyn, si Aljon ang kanyang napangasawa at halos 25 years na rin sila.

Regine, napabinyagan na ang bunsong anak

Isa nang ganap na Kristiyano ang pangatlo at bunsong anak ng dancer-choreographer, actress, host, fashion designer and entrepreneur na si Regine Tolentino and her first baby sa kanyang present partner na si Dondi Narciso na si Rosie Rignee.

Ang 10-month old na si Rosie Rignee ay isinilang noong March 17, 2020, two days matapos ideklara ang lockdown sa Metro Manila at mga karatig lugar dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang dalawa pang older daughters ni Regine na sina Reigne at Reigen ay mga anak niya sa kanyang ex-husband, ang actor na si Lander Vera Perez kung kanino siya hiwalay since 2015.

Although maagang nag-asawa si Regine at nahiwalay sa kanyang unang husband, kinu-consider naman niyang blessings ang mga anak niyang sina Reigne at Reigen who are both grown up, lumaking mababait at responsible at seryoso sa kanilang studies.

Beteranong aktor, nagiging aktibo na uli

Sunud-sunod ang pag-sign-up ng Viva Artists Agency (VAA) ng mga veteran and comebacking actors tulad nina Baron Geisler, Rosanna Roces, Alma Moreno, ang magkapatid na Rey `PJ’ and Jojo Abellana maging ang singer-actress at dating politician na si Cristina `Kring-Kring’ Gonzalez.

Sa rami ng projects at platforms meron ngayon ang Viva, mas kailangan nila ng stars, talents and artists ngayon.

Last January 29 ay ni-launch ng Viva ang Vivamax streaming app kung saan buena mano ang Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar na pinagbibidahan ng mga dating sex symbols of their generation na sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at Maui Taylor mula sa panulat at direksyon ng young director na si Daryl Yap na isa ring successful vlogger.

May ongoing tie-up pa rin hanggang ngayon ang Viva at ang Cignal kaya napapanood ang ilang TV series and programs ng Viva sa TV5.

vuukle comment

MANILYN REYNES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with