^

Pang Movies

Mark inaasahang magiging masipag na para sa bagong baby

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Mark inaasahang magiging masipag na para sa bagong baby
Baby Corky

Umaapaw ang saya ng Kapuso couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa sa pagdating ng kanilang firstborn baby na si Corky noong Linggo, Enero 31.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Mark ang saya at pasasalamat.

Dagdag pa niya, bubusugin nila ni Nicole ng pagmamahal ang anak, “At dahil andito ka na ngayon, gagawin namin ni mammeeh lahat para sa’yo! Mahal na mahal ka namin Corky to infinity and beyond.”

Bumuhos ang suporta at well wishes sa comments section ng Kapuso performer.

Inaasahan namang magiging mas masipag na si Mark ngayong may bagong baby na siya.

Kapatid ng Momoland, may 18 million views agad

Ipinakilala na ng MLD Entertainment, ang South Korean entertainment agency na nagdala ng Momoland, ang pinakabagong mega boy group na hahangaan at kakikiligan ng K-pop fans – ang T1419.

Inilunsad ang naturang grupo noong Enero at kinabibilangan ng siyam na miyembro – ang Korean members nitong sina Sian, Kevin, Gunwoo, On, at leader na si Noa, at ang Japanese boys na sina Zero, Kairi, Leo at Kio.

Pasabog naman ang music video ng official debut single nilang ASURABALBALTA, na sa loob lamang ng tatlong linggo ay nakakuha na agad ng 18 milyong views. Bahagi ito ng debut single album ng group na Before Sunrise Part. 1 na napapakinggan na ngayon sa iba’t ibang online music strea­ming platforms.

Ang sister group ng T1419 na Momoland ay co-managed ng ABS-CBN sa Pilipinas.

vuukle comment

MARK HERRAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with