^

Pang Movies

Rachelle Ann, hindi nahirapan sa pagbubuntis!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Rachelle Ann, hindi nahirapan sa pagbubuntis!
Rachelle Ann

Nasa 33rd weeks of pregnancy na si international singer-stage actress Rachelle Ann Go at sa latest vlog niya, nai-share niya na naghahanda na siya sa nalalapit niyang pagsisilang sa first baby nila ng asawang si Martin Spies.

Thankful si Rachelle sa kanyang pagbubuntis na hindi siya nakaranas ng kung anu-anong pinagdaraanan ng isang naglilihi. Hindi siya nag-crave ng kung anu-anong pagkain, basta mahilig daw lamang siyang kumain nang kumain.

 Ready na rin siya sa delivery ng kanilang baby, pero ang dasal niya sana ay hindi siya magsisilang by caesarean section. Regular daw naman siyang pinupuntahan ng midwife niya sa house nila in London for check-up.

Ipinakita rin ni Rachelle ang mga gamit ng magiging baby nila na sina-shopping na nila ngayon ni Martin, may isang baby crib doon na gagamitin sa gabi para makasama nila sa bedroom nila ang anak, biro niya ‘tiny’ lang kasi ang room nila at hindi kasya ang malaking crib. 

Tinatapos pa rin daw nila ni Martin ang nur­sery room ng baby at ipakikita niya ito sa susunod niyang vlog. Secret pa ang gender ng baby na isisilang niya by March.

Kisses, lalaban sa Miss World 2021

May plano pala si Kisses Delavin ng All-Access to Artists na mag-join sa Miss World Philippines 2021.  Kaya naman excited ang fans and followers niya sa balitang ito.

Alam nilang bago pa mag-join si Kisses ng Pinoy Big Brother noon, beauty queen na si Kisses sa kanilang province sa Masbate.

Bagay daw ito kay Kisses dahil ngayon pa lamang may advocacies na sa pagtulong sa kapwa ang actress, tulad ng pagtulong niya nang magkaroon ng malakas na lindol noon at naapektuhan ang mga kababayan niya sa Masbate.

Wait na lamang tayo sa announcement ng kanyang agency.

Alden, minahal na rin ang pagho-host

Ngayong babalik na ang Bida Kids singing competition na Centerstage, nawala na ang pag-aalala ng host nitong si Alden Richards, na baka hindi na ito ituloy ng GMA Network. Aware si Alden na bawal lumabas ang mga bata, lower than 15 years old, na siya pa namang age ng mga contestant ng show.

Kaya nagpasalamat siya nang malaman niyang tuloy na ito at magpi-perform na lamang ang mga bata sa kani-kanilang tahanan, sa tulong ng production team ng show. “Iyon nga lamang hindi na namin sila makakausap nang personal,” sabi ni Alden. “Alam naming umaasa ang mga bata na matutupad din na muli nilang ipakita ang kanilang talent, kaya mabuti na lamang at GMA found a way.”

Bukod sa acting, minahal na ni Alden ang pagho-host. In 2014 naging co-host siya ni Regine Velasquez sa Bet ng Bayan at siya ang pumupunta sa bayan-bayan kung saan ginagawa ang auditions para sa mga magiging contes­tant. Nasundan pa ito ng pagho-host niya ng mga GMA Sunday variety shows like Sunday All Stars at hanggang ngayon sa All-Out Sundays.

vuukle comment

RACHELLE ANN GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with