^

Pang Movies

Heart at Richard, dating magkapamilya!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Heart at Richard, dating magkapamilya!
Richard

It was only noong nakaraang December 20, 2020 nang lumagda ng kontrata ang 53-year-old businessman-turned actor na si Richard Yap sa GMA after being with ABS-CBN sa loob ng 10 taon. At ang kanyang kauna-unahang TV series sa Kapuso network ay ang bagong TV series ng singer-actress, fashion icon and celebrity endorser na si Heart Evange­lista as her leading man along with another Kapuso actor and model na si Gil Cuerva. Ito’y may pamagat na I Left My Heart in Sorsogon, isang proyektong malapit sa  puso ng singer-actress dahil ito ang hometown ng kanyang mister, ang gobernador ng Sorsogon na si Gov. Chiz Escudero.

Kapwa nag-umpisa sa ABS-CBN sina Heart at Richard.

Andi hindi na kayang iwan ang isla

Masaya ang Siargao-based actress and a mother of three na si Andi Eigenmann ngayong may baby boy na sila ng kanyang fiancé na si Philmar Alipayo, si baby Koa nta isinilang last January 17, 2021, after almost one month matapos ang kanilang engagement ng surfing champion.

Si Andi na isa na ngayong ‘islander’ matapos niyang magdesisyong mamalagi sa Siargao with her partner and kids, ay larawan ng isang masayang babae kahit simple ang kanilang pamumuhay sa isla.

Ang actress ay merong nine-year-old daughter na si Ellie sa kanyang ex-boyfriend na si Jake Ejercito. Nag-one year-old naman last July ang una nilang baby ni Philmar na si Lilo and second baby na bale nila si baby Koa.

Philmar has two sons sa kanyang previous relationships.

Ngayong engaged na sina Andi at Philmar, wala pa silang sini-share na detalye tungkol sa kanilang upcoming wedding at kung ito’y gaganapin sa Siargao o dito sa Maynila.

Mark hindi pa minamadali ang kasal

Dalawa na ang anak ng Kapuso actor-dancer na si Mark Herras matapos magsilang ng baby boy ang kanyang fiancée at kapwa Kapuso na si Nicole Donesa last Sunday, January 31 na kanilang pinangalanang Mark Fernando.

Ang StarStruck alumnus ay may six-year-old daughter na si Ada sa kanyang dating handler na si Diane Evangelista.

Mark and Nicole got engaged noong nakaraang June 2020 pero wala pa silang detalye kung kelan sila magpapakasal dahil nauna ang pagbubuntis at panganganak nito.

Bago si Nicole, Mark was in a relationship with another Kapuso actress at dating beauty queen na si Winwyn Marquez pero nagkahiwalay ang dalawa noong 2017.

Sikat na social influencer, nabigyan ng magandang buhay ang pamilya

Wala na sigurong mahihiling pa ang pamilya ng sikat na social influencer na si Mimiyuuuh (Jeremy Sanceduche) dahil nabigyan sila ng magandang buhay ng kanilang anak.

Inuna muna ni Mimiyuuuh ang isang house and lot with swimming pool at kasunod na rito ang isang mamahaling van na nagkakahalaga ng mahigit P3-M na kanyang surprise gift sa kanyang parents na sina Amadz at Bheng maging sa kanyang mga kapatid na sina Justine at Jazreen na naisakatuparan niya sa pamamagitan lamang ng kanyang pagiging sikat ng vlogger na kanyang sinimulan in 2019.

vuukle comment

RICHARD YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with