Juliana nina mayor Goma at Lucy, in a relationship na sa fencer?!
Matapos ma-link kina Santi Belmonte and Andres Muhlach, mukhang in a relationship na ang dalaga nina Ormoc Mayor Richard Gomez and Rep. Lucy Torres.
Kahapon nga ay kumalat sa social media ang photo nila ng Pinoy athlete na si Miggy Bonnevie-Bautista.
Meron silang photo na kini-kiss nito ang arm ni Juliana na sabi niya sa kanyang IG ay Olympic bound siy - Miggy.
Like her dad, fencer din si Miggy at maraming beses na siyang lumaban sa ibang bansa base sa mga post niya.
As of press time ay wala pang reaction sa social media ang parents ni Juliana na lumaki sa mata ng showbiz dahil nga kina Mayor Goma and Rep. Lucy.
Pero natural naman na magka-boyfriend si Juliana dahil 20 years old na siya.
Actually, two days ago pa ang nasabing post ni Miggy pero hindi lang masyadong napansin agad.
At hindi ‘yun ang first time na nag-post siya ng photo nila.
- Latest