^

Pang Movies

Nora, panay ang pakain sa taping

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Maraming humanga sa pagtatarayan nina Isabel Rivas at dating sexy star na si Divina Valencia sa taping nila ng Bilangin Ang Bituin Sa Langit sa San Mateo, Rizal. Nagpipigil lang daw si Divina na sagot-sagutin si Isabel dahil mabubuking na itinatago niya ang karakter ni Nora Aunor sa kanyang bahay.

Samantala, kahit noon pang nakatira sa Abucay, Bataan, marami ang nakakapansin na mukhang tumaba si Isabel sa taping.

Totoo kayang panay ang pabili ng food ni Nora Aunor para sa mga kasamahan sa taping? May nagkukuwento nga na basta si Guy ang bida sa alimang teleserye ay asahang marami itong bigay na pagkain.

Iya at Drew, mas sinisipagan para sa mga anak

Tatlo na ang anak ni Iya Villania kaya halatang ms sinisipag ito sa kanyang TV shows everyday, Chika Minute segment ng 24 Oras at kasali rin sa prog­ramang Mars.

Ang kuwento ni Iya, ibang klase raw pala kapag may mga anak na, inspired siya lagi. No wonder maging ang asawa niyang si Drew Arellano ay abalang-abala rin sa trabaho.

Alam ba ninyong naisisingit pa ng mag-asawa ang big bike racing na bago nilang pinagkakaabalahan?

Konting ingat lang, Iya at Drew.

Janine, inaasahang mas sisikat

Lumipat si Rayver Cruz sa GMA Kapuso para sundan ang girlfriend na si Janine Gutierrez pero ang nakakaloka ay lumipat naman si Janine sa Kapamilya.

Well, ang gulo-gulo ‘di po ba? Mag-usap nga sila.

Well, malay natin kung mas magning­ning si Janine sa bago nitong istasyon.

ABS-CBN, puwedeng gamitin sa kampanya

Katulad ng isang halaman, tiyak na muling mabubuhay ang pinutol na serbisyo ng ABS-CBN ng 70 kongresista nang hindi ito bigyan ng bagong prangkisa. Tiyak na ngayong 2021, muli itong bubuhayin dahil malapit na ang eleksyon at kinakailangan nila ng network na magbabandera ng kanilang kandidatura.

Yes, may ibang TV station pero ang tanong, may magic charm ba sila tulad ng ABS-CBN?

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with