^

Pang Movies

Jolo at Diego inaabangan kung sisikat din!

Gorgy Rula - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magagaling sumagot ang mga nasa huling henerasyon ng mga showbiz clan na pinasok na rin ang pag-aartista. Isa na rito ang anak ng dating Sen. Jinggoy Estrada at Precy Ejercito na si Jolo Estrada.

Susubukan ni Jolo ang pag-aartista na pinasok na rin niya noon nang mapasama siya sa pelikulang Ang Tatay Kong Sexy ng daddy niyang si Jinggoy at Maja Salvador. Pero tinapos muna ni Jolo ang kanyang pag-aaral at may pinasok din siyang business. “Ngayon po na hindi na ako ganun ka-busy, sabi ko why not try give it as a shot once more. Wala namang mawawala eh. “I’m taking this opportunity and I’m ho­ping for the best,” pakli ni Jolo nang makatsikahan namin noong nakaraang linggo.

Aware din naman si Jolo sa mga intriga, pero nakasanayan na ito ng pamilya at hindi naman daw ito mawawala. “I think lahat naman ng artista naiintriga. Lahat naman nagkakaroon ng isyu. Pero, it’s how you handle it I guess and normal naman kasi ‘yung mga intriga eh. So, okay lang ‘yun,” maayos niyang sagot sa amin.

Ipinaalam din niya sa kapatid niyang si Julian na balak din palang kunin ng GMA Artist Center.

“Sinabi ko sa kapatid ko kay Julian, tinanong ko siya kung okay lang ba kung ako rin, sabi niya ‘oo naman. Siyempre, susuportahan kita.’

“Kasi ngayon naman naka-focus siya sa music eh. Mas gusto niya yata mag-music ngayon if I’m not mistaken,” dagdag niyang pahayag.

Ang isa pang aabangan ay mula naman sa pamilya Gutierrez na kung sana nagpakitang-gilas naman sa pagkanta at pag-compose na rin si Diego Gutierrez.

Malaking challenge na magagaling ang kapamilya mo, gaya ng Mamita niyang si Pilita Corrales, ang lola niyang si Nora Aunor, ang lolong si Christopher de Leon, pati ang daddy niyang si Ramon Christopher na magaling din kumanta. “Gusto ko lang galingan sa ginagawa ko para kahit paano level naman ako sa kanila,” pakli ni Diego.

Isa rin sa wish niya ay makasama sa isang entablado ang pamilya niyang magagaling kumanta.“Sobrang saya nun dahil ka-family ko po sila and lahat sila super galing kumanta. It’s such an honor to perform with all of them. Hopefully po soon.

“Who knows it might happen. Yes, I’m very excited. If ever na mangyari ‘yun, I’m really looking forward to it,” sabi ni Diego na nakatakda nang i-release ang single niyang On a Dream.

Dancer... napirata agad

Ang bilis at napirata agad ang pelikulang Anak ng Macho Dancer na nagkaroon ng premiere showing sa KTX.Ph noong nakaraang Sabado. Talagang tinutukan ito ng mga kabadingan at pinag-usapan online.

Pero pagkatapos ng screening, wala pang 30 minutes, meron nang nagbebenta ng buong kopya nito online sa halagang P100 na lang.

May isa ngang napansin si Jerry Olea na nakabenta raw agad ng siyam, ilang minuto pa lang niya itong na-announce sa Twitter.

Kung namuhunan ka ng P690 na ticket, nabawi mo na agad at maaaring marami pang bibili.

Nakiusap pa naman ang producer nitong si Joed Serrano ng Godfather Productions na sana huwag nang piratahin dahil malinaw na pagnanakaw ito ng kanilang property. Pero kampante naman siyang mahuhuli raw ang posibleng kumopya ng pelikula nila. “May finger printing ang KTX eh. Napag-aralan nila ‘yun eh,” sabi ni Joed nang nakatsikahan namin sa DZRH noong nakaraang Biyernes ng gabi. “Ang advice ko na lang, alam n’yo naman na mali ‘yun eh. Pagnanakaw ‘yun eh. May balik naman po sa inyo eh. Bahala na po ang nasa Itaas sa inyo,” sabi ni Joed. Pero dahil sa lakas nito na ayon sa kanya, nakabenta na sila ng mahigit 100K tickets, bawing-bawi na sila.

Pagkatapos ng Anak ng Macho Dancer ay isusunod na raw nila ang isang magandang drama movie na pagbibidahan ni Nora Aunor, ang Kontrabida na ididirek ni Adolf Alix.

Ngayon pa lang daw ito gagawin ni Ate Guy na siya ang gaganap na kontrabida. Matindi rin ang support ng mga magagaling na artista, kagaya nina Jaclyn Jose, Gladys Reyes at marami pa. Pero ang kaabang-abang daw sa pelikulang ito ay ang special appearance ng isang big star na sasampal daw kay Nora.

Binanggit naming baka si Cong. Vilma Santos, hindi raw dahil ngayon pa lang daw ito nakasama ni Ate Guy. Natawa na lang si Joed nang binanggit naming baka si Sharon Cu­neta, lalo na’t idol niya ito.

vuukle comment

JINGGOY ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with