^

Pang Movies

Tiktok, pinagsasawaan na?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Para bang nagsawa na ako sa rami nang nasisilip kong ngti-tiktok sa IG.

Nung una, parang meron pang novelty lalo pa ang nakikita mo iyon hindi usually nagsasayaw, tapos umiindak. Pero now na parang lahat ay guma­gawa na nito, nagkaroon na rin ng sawa factor.

Kaya siguro parang hindi ka na excited pag nalaman mong sumayaw si ganito o si ganun, parang reaction mo, so? Kasi nga halos lahat gumawa na.

Dapat pag meron mga ganito, iyon talagang gawin mo talagang novelty, ‘yung tipong mapapa-nganga ka dahil mabibigla ka na gagawin niya pala iyon.

Tiktok, malapit ng matoktok, hah hah. Joke joke, sayang iyon ginagawa ni Gardo Versoza, authentic ha pati shoes, sayang.

Negosyanteng Koreano, naloko

Kawawa naman iyon Korean friend ni Joey Santos ng Stem cell Therapy. Imagine, meron isang Pinoy na kinumbinsi ang nasabing Korean na magdala siya ng mga korean product dito tulad ng sabon at shampoo at tutulungan siyang ibenta ito sa market, at nang dumating Pilipino niloloko siya sa pera.

Ngayon ay nabitin lahat ng pera niya (Korean), at ang mga product na mukha naman maganda at mahusay dahil bigla siyang tinakbuhan ng kausap.

Buti na nga lang at tinutulungan ni Joey. Sana nga ay makapasok sa Ultramega Supermarket ni Mang Erning Lim ang mga nasabing produkto para kahit consignment ay mailagay ang produkto sa market.

Nakakahiya naman dahil isipin mong nagtiwala ang Koreano sa isang Pilipino na kausap tapos ito ang nangyari.

vuukle comment

TIKTOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with