^

Pang Movies

Dating star na na-link kay Dingdong, nagsalita sa isyung buntis

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Dating star na na-link kay Dingdong, nagsalita sa isyung buntis
Lindsay

Tinuldukan na ni Lindsay de Vera ang kumalat na tsismis na nabuntis siya ni Dingdong Dantes!

Nagkasama sina Dong at Lindsay sa GMA series na Pari ‘Koy at Alyas Robin Hood noong 2015 at 2016. Kung kailan may pamilya na si Dong at saka naman lumutang ang tsismis.

Bahagi ng rebelasyon ni Lindsay nang ma-interview ni Jobert Sucaldito sa online talk show niyang The Bash, “Never akong nabuntis ni Kuya Dong and never kaming nagka-relationship. I respect Kuya Dong very much as a person, as a husband and as an actor.”

Bilang respeto kay Marian Rivera, asawa ni Dingdong, nagkausap na sila ng aktor.

“I don’t want na ma-issue pa sila and they are very sweet couple and they are a beautiful family,” sambit pa ng hindi na aktibo sa showbiz na aktres.

Bukod sa Pari ‘Koy at Alyas Robin Hood, ilan pa sa GMA projects na sinamahan niya ay ang The Better Woman, Encantadia, Poor Señorita, My Love From The Star at Victor Magtanggol. Nag-lie low siya sa showbiz upang mag-aral. Kasalukuyan siyang naka-base sa Pangasinan kasama ang kanyang pamilya.

Nananatiling tikom ang bibig nina Dingdong at Marian sa isyu kay Lindsay.

Abala si Yan sa posting ng endorsements niya sa social media, sa negosyo niyang Flora Vida by Marian at Flora Vida Homes at Kapuso program na Tadhana na dinidirek ng asawa.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with