^

Pang Movies

Dingdong at Marian, balik-Tadhana na

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Dingdong at Marian, balik-Tadhana na
Dingdong at Marian

Nagti-taping na muli ang mag-asawang Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ng Tadhana, ang OFW drama anthology ng GMA Network. Hosted by Marian, si Dingdong naman ang nagdidirek kay Marian ng spiels ng new episodes ng serye, at work from home lamang ang mag-asawa. Napapanood ngayon lagi ang two-part episode ng Tadhana every Saturday, after Magkaagaw sa GMA 7.

Ang ganda-ganda ni Marian sa latest photo niya during the taping kaya may mga netizen na nagtatanong kung siya raw ba ang nasa blind item na preggy muli at susundan na ba ang bunso nilang si Ziggy?

Mali ang blind item, basta ngayon, masaya si Marian sa kanyang work, endorsements at busy na siya at ang kanyang Flora Vida by Marian sa paghahanda para sa coming Va­lentine’s Day at siguradong ang mga o-order para sa okasyon, ay may pagkakataon na ang mag-deliver nito sa inyong doorstep ay si Dingdong mismo.

Richard, umaming mahilig magpatawa

Natupad na ng bagong Kapuso actor na si Richard Yap ang wish niyang masubukan naman ng viewers ang husay niya sa pagpapatawa nang mag-guest siya sa sitcom na Pepito Manaloto. Masaya siya dahil gusto raw niyang makatrabaho si Michael V. na nakilala na niya noon pa. Hindi nga lamang siya nagkaroon ng chance na makaeksena dito si Bitoy, siguro raw ay mangyayari rin iyon kung maimbita siya sa gag show na Bubble Gang.

Naikuwento ni Richard na behind the camera ay mapagbiro siya: “What people don’t know about me ay medyo ‘kenkoy’ ako in real life, hindi ako ganoon kaseryoso. For me, it was really fun doing comedy. Sometimes it’s also hard to be doing drama all the time.”

Mapapanood si Richard Yap sa Pepito Manaloto ngayong gabi, 7 p.m.

Fake news...

Nagsalita na rin si Lindsay de Vera, sa interview sa kanya ng entertainment writer na si Jobert Sucaldito by phone patch sa online talk show nito tungkol sa issue na may relasyon sila ni Dingdong Dantes.  Saad ni Lindsay, “I want to clarify my name as well as Kuya Dingdong’s name that we don’t have that kind of relationship. I respect Kuya Dong as a person and as an actor and as a husband, and siyempre, I also respect his wife. Fake news po iyon, I don’t want na ma-issue pa sila dahil they are a very sweet couple and they are a beautiful family.”

vuukle comment

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with