^

Pang Movies

Regine gustong maging malaya!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Regine gustong maging malaya!
Regine

Excited na si Regine Velasquez na dalhin ang kanyang Pinoy fans mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa kakaibang date night na hatid ng Freedom: Regine Velasquez-Alcasid Digital Concert, kung saan inaasahan ang pag-awit ng Songbird ng bagong repertoire sa darating na Pebrero 14 (Linggo).

“Marami sa mga kakantahin ko sa concert ay malayo sa comfort zone ko. Gusto ko talagang sorpresahin at ma-satisfy ang audience sa Freedom concert,” ani Regine.

Mapapanood ang Valentine’s Day concert sa buong mundo sa pamamagitan ng ktx.ph, iWantTFC, at TFC IPTV.

Ayon sa Kapamilya artist, magkakaroon daw ito ng full concert setup na may live band at backup singers at dancers.

Binanggit din niya na may espesyal na bisita na siguradong sosorpresa sa mga manonood.

Maraming kahulugan ang titulo ng concert para sa Songbird. “Dahil sa nangyaring pandemya, parang gusto nating maging malaya lahat. Personally, I wanted to do something else at magkaroon ng freedom na awitin anuman ang gusto ko,” pagbabahagi niya.

Mula sa ABS-CBN Events, IME, at PLDT ang  Freedom concert na nasa ilalim ng stage direction ni Paolo Valenciano at musical direction ni Raul Mitra.

Sold out agad ang VIP tickets para sa concert 12 oras pa lamang simula nang ilabas ito, pero mabibili ang tickets para sa general admission sa halagang P1,200 (24.99 USD) sa ktx.ph at malapit na ring maging available sa iWantTFC.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with