^

Pang Movies

Kara, pasok sa comeback ni Claudine

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Kara, pasok sa comeback ni Claudine
Kara

Masayang-masaya ang Viva singer-dancer, actress and celebrity endorser na si Kara Madrid na makakasama siya sa comeback movie ng mahusay na (dating) Kapamilya star na si Claudine Barretto na nakatakdang pamahalaan ng premyadong director na si Joel Lamangan.

The yet untitled movie ay sa ilalim ng production ng Borracho Films na pinamumunuan ng de kalibreng abogado na si Atty. Ferdie Topacio and intended for Mother’s Day.

The Fil-Greek singer-actress  will play the role of Claudine’s sister na may autistic son.

Si Kara ay huling napanood sa top-rating and longest-running action drama series na FPJ’s Ang Probinsyano noong isang taon.

Bukod sa movie, inihahanda na rin ng Borracho ang upcoming virtual concert ni Kara next to ex-PBB housemate Myrtle Sarrosa.

ASAP nanggulat

Wala na sigurong mahihiling pa ang avid followers ng longest-running musical variety show ng ABS-CBN, ang ASAP Natin `To dahil gumawa na naman ito ng kasaysayan nang mapanood ang programa hindi lamang on free TV sa A2Z Channel 11 at iba pang platform kundi sa isa pang free TV on TV5 na nagsimula last Sunday, January 24 matapos magpaalam sa ere noong January 17 ang three-month-old musical variety show ng Brightlight Productions, ang Sunday Noontime Live (SNL) hosted by Piolo Pascual, Maja Salvador, Catriona Gray at Jake Ejercito.

Talagang pinaghandaan nang husto ng mga tao behind ASAP Natin `To ang kanilang launch sa TV5 kasabay ng pagpapakilala bilang bagong Kapamilya kay Janine Gutierrez.

Nobody would ever imagine na magkakaroon ng alyansa ang ABS-CBN with Cignal and TV5 at ma­ging sa Channel 11.

Rocco, pinaghandaan ang misis

Gumawa ng record ang Kapuso actor-entrepreneur na si Rocco Nacino at ang kanyang wife na ngayon, ang professional volleyball player na si Melissa Gohing nang magpakasal ang dalawa aboard Philippine Navy ship noong nakaraang Thursday kung saan nakasuot pa ng Philippine Navy uniform ang actor at naka-Francis Libiran gown naman si Melissa.

After his controversial breakup with Kapuso singer-actress na si Lovi Poe in 2016, si Melissa ang una at huling nakarelasyon ng actor na talagang kanyang pinaghandaan nang husto dahil bago siya nag-propose sa volleyball star ay tinapos muna niya ang kanyang ipinatayong four-storey house in Antipolo City kung saan sila ngayon nakatira.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with