^

Pang Movies

Javi, to the rescue sa pagtawag ng starlet kay Sue

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Javi, to the rescue sa pagtawag ng starlet kay Sue
Javi at Sue

To the rescue si Javi Benitez sa girlfriend na si Sue Ramirez sa akusasyong may relasyon ito kay Ian Veneracion.

May netizen kasi na nag-comment sa Instagram sexy photo ni Sue na siya ang tinutukoy sa isang blind item. “Blind item Ka, Kabit Ka daw ni @ianveneracion1 ...” ang komento ng netizen.

Sinagot ito ng producer na si Atty. Joji Alonso at ipinagtanggol sina Sue at Ian. Aniya ay wala raw namamagitan sa dalawa. “I produce Oh My Dad for Brightlight. There is absolutely nothing going on between Ian and Sue. Sorry, wrong guess,” paglilinaw ni Atty. Joji.

Sumagot pa ulit ang netizen at aniya kay Sue raw naka-point ang lahat ng clues sa blind item.

Isa pang netizen ang nag-comment tungkol dito at naka-tag na sina Ian at Javi.

“@sueannadoodles kamusta secret relationship nyo ni @ianveneracion1? @javibenitezzz,” komento ng netizen.

Sumagot si Javi at halatang imbiyerna ang aktor.

“Hindi starlet si Sue at hindi siya ganyang babae. Mali hula niyo kaya itigil niyo na yan,” sagot ni Javi.

Apparently, ang blind item na hinulaang sina Sue at Ian ay tungkol sa guwapong aktor, nasa 40s,  maamo ang mukha na hiwalay na raw sa asawa nito at nakikipaglandian sa isang starlet na may boyfriend na galing sa isang prominenteng pamilya.

Janine, parang nananaginip

Last Sunday nga ay napanood si Janine Gutierrez for the first time sa ASAP Natin ‘To kung saan ay isang bonggang welcome party ang inihanda ng produksyon para sa kanya.

Ang bongga ng number niya with Martin Nievera, Ogie Alcasid and Gary Valenciano kung saan ay inawit nila ang classic OPM song na Panaginip.

At tamang-tama nga ang song sa kanya dahil sey nga niya pagtapos nilang umawit, para raw siyang nananaginip. “This is the first time I’ve been inside a studio here. Surreal, parang panaginip talaga. I am just so happy that everything has fallen into place. It’s a new year, new opportunities,” ani Janine.

Sabi pa ng aktres, “I’ve always been excited to know what it’s like to be a Kapamilya and I’m so thankful to ABS-CBN for giving me this opportunity. Gusto ko talagang ma-experience ang pagiging isang Kapamilya.”

Abut-abot ang pasasalamat ni Janine sa napakagandang pag-welcome sa kanya ng ABS-CBN at sobrang grateful daw niya na sa kanyang unang Kapamilya appearance ay ang OPM legends pa ang nakasama niya sa stage.

vuukle comment

SUE RAMIREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with