^

Pang Movies

ASAP at AOS, tuloy na uli ang salpukan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Tiyak na kaabang-abang ang muling pagsasabayan ngayong January 24 ng dalawang Sunday noontime show na All-Out Sundays ng GMA Network at ng  ASAP Natin ‘To sa TV5 at 12:00 noon.

Nag-release na ang AOS ng line-up nila sa opening na may OPM jamming sina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Christian Bautista, Mark Bautista, Paolo Contis, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Kyline Alcantara, Miguel Tanfelix, Migo Adecer, Shayne Sava, Jong Madaliday, Jeremiah Tiangco, Jessica, Jennie Gabriel, Rodjun Cruz, DJ Loonyo, at Mannex Manhattan.  Aawitin naman nina Thea Astley, Golden Canedo, Jessica at Julie Anne ang mga awitin ni Celine Dion.  Tuloy pa rin ang iba pang paboritong segments ng AOS na sinusubaybayan ng mga viewers ng show.

Sa ASAP Natin To, pangungunahan pa rin ang show nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid at Zsa Zsa Padilla.  Hindi naman totoo na may birthday celebration sila para kay Sharon Cuneta dahil tinanggihan ng Megastar ang offer nila.

Kasalan, sunud-sunod

Sunud-sunod yata ang mga Kapuso stars na nagpapakasal.  After ng sunset wedding nina Rocco Nacino at Melissa Gohing last January 21, aboard a Philippine Navy ship, na-feature naman sa 24 Oras ast Friday evening, January 22, ang engagement ni Glaiza de Castro sa boyfriend niyang si David Rainey na ginanap sa Ireland, kung saan hanggang sa ngayon ay nagbabakasyon si Glaiza.  Doon na rin nag-celebrate ng kanyang 33rd birthday si Glaiza last January 21, kasama ang family ni David.

Siyempre, hindi pinaligtas ng mga showbiz friends niya ang pagbati kay Glaiza, sa engagement at birthday niya, like her bestfriend Angelica Panganiban na magpakasaya raw ang kaibigan sa double celebration nito.

Nakatakda na ring bumalik ng bansa si Glaiza dahil magsisimula na siya ng bagong teleserye na pagtatambalan nila ni Rayver Cruz for GMA Network.

Catch Me... inaabangan

Marami nang nag-aabang na Kapuso viewers sa kakaiba at kwelang trio na sina Jose Manalo, Kakai Bautista, at Derrick Monasterio bilang Celebrity Spectators para sa pinakabagong reality game show na Catch Me Out Philippines.

Ang show ay based sa sikat at exciting na entertainment program sa United Kingdom, bibida ang mga ordinaryong tao na magpapakitang-gilas at makiki­pagsabayan sa mga totoong propesyonal sa iba’t ibang larangan.  Upang manalo, kinakailangan nilang mapaniwala ang celebrity guest judge sa bawat pagtatanghal na hindi sila ang nagpapanggap na contestant.

Mapapanood na ang Catch Me Out Philippines simula sa Saturday, February 6, sa GMA-7.

vuukle comment

ASAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with