^

Pang Movies

Vice, sumumpang ‘di lalayas sa ABS-CBN

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Vice, sumumpang �di lalayas sa ABS-CBN
Vice

Malaki ang pasasalamat ni Vice Ganda sa ABS-CBN dahil hindi raw siya inilaglag ng network noong time na natatalo ng Eat Bulaga ang It’s Showtime dahil sa AlDub loveteam nina Alden Richards and Maine Mendoza.

Sa recent episode ng It’s Showtime ay nagbalik-tanaw si Vice Ganda sa maituturing na darkest days ng programa. “Ako talaga, hinanda ko na yung sarili ko na feeling ko talaga, tatanggalin kami. ‘Yung panahon ng AlDub, prangkahan na, nun’g panahon ng AlDub, feeling ko wala nang nanonood ng Showtime. Parang buong Pilipinas, nakatutok sa AlDub. Tapos parang ang laking kasalanan kapag fan ka ng Showtime.

“Ang laking kasalanan kapag nanonood ka ng Showtime. Parang nag-aaway-away ‘yung mga tao sa social media na parang hindi ka dapat nanonood ng Showtime, dapat lahat tayo nakatutok lang sa AlDub, ‘yung ganun. Tapos ang baba baba na ng ratings ng Showtime,” pagre-recall ni Vice.

Pero talagang lumaban pa rin siya but at some point, tinanggap na rin daw niyang baka anytime soon ay tanggalin na ang show. “Na feeling ko, anytime soon, tatawagan ako ng management. Tapos sasabihin, ‘We are cancelling the show.’ Tanggap ko ‘yun,” sey niya.

Pero ang kinatatakutan niya ay hindi nangyari dahil hindi raw nilaglag ng network ang show. “Tapos, hindi nangyari. Hindi ginawa ng ABS-CBN. Hindi ako nilaglag. Hindi nilaglag ‘yung show.”

Kaya naman ngayong nasa krisis din ang ABS-CBN ay hindi rin daw niya ito iiwan tulad ng hindi nito pang-iiwan sa kanya. “Yun ang pinanghahawakan ko eh. Magkamatayan na. Hindi ko iiwanan itong ABS-CBN ngayon. Kasi nu’ng nangyari ito sa buhay ko, hindi ako iniwanan ng ABS, eh. Lahat kaming hosts, lahat kaming show, isama na natin ‘yung director namin, hindi ‘yan iniwanan ng ABS nu’ng mukha na kaming kawawa at halos patay na kami.

“Kaya ngayon na nangyayari ito sa ABS, hindi rin kita iiwanan katulad ng hindi mo pang-iiwan sa akin noon,” ang pahayag ni Vice.

Nash at Mika, nagkailangan

Going smooth pa rin ang relasyon nina Nash Aguas at Mika dela Cruz at makikita ito sa latest YouTube vlog ng young actress.

Ibinahagi ni Mika ang mga kaganapan sa digital ad shoot nila ni Nash for an endorsement na first project nila together simula nang maging magdyowa sila.

Ang sweet ng dalawa during the shoot at makikita mo na matatag na matatag pa rin ang kanilang relasyon.

Pero aminado si Mika na nagkaroon sila ng ilangan ni Nash habang kinukunan ang mga eksena nila sa digital project since ngayon lang ulit sila nagkasama after Goin’ Bulilit maraming taon na ang nakararaan.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with