^

Pang Movies

Jodi at Maricel, talo sa kaso laban kay Iza

Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang beses nasawi ang mag-inang Ellice (Iza Calzado) at Belen (Rita Avila) sa mga kasong isinampa nila laban kina Marissa (Jodi Sta. Maria) at Lucing (Maricel Soriano) sa tangkang bawiin ang kanilang parte sa pagmamay-ari ng Cenidoza Pearls ngayong linggo sa Ang Sa Iyo Ay Akin.  

Noong Lunes nasaksihan ng viewers ang pag-ako ni Adelina (Carla Martinez) sa panggigipit sa investors ng Cenidoza para mapunta ang shares nito kay Marissa, na naging dahilan para ito arestuhin. 

Dahil dito, hindi nakuha ni Marissa ang pagnanais nitong maging major shareholder ng kumpanya.

Hindi naman natapos ang usapin sa shares ng Cenidoza nang ilaban naman ni Marissa sa korte na walang bisa ang bentahan ng shares sa pagitan ng kanyang amang si Nestor (Allan Paule) at Jorge (Lito Pimentel).

Sinubukan nilang kumbinsihin ang korte na ginipit lamang ni Jorge si Nestor lalo pa at nalaman ng ama ni Ellice ang pakikiapid ng huli kay Belen. 

Ngunit kagaya ng unang kaso, napagwagian ito nina Ellice matapos sabihin ng korte na kulang ang ebidensyang hawak nito. Hindi lang alam ni Marissa na kaya binasura ang kanyang kaso ay dahil ginipit ni Cesar (Simon Ibarra) ang judge ng naturang kaso. 

Samantala, tuluyan namang napaikot ni Belen si Ellice sa kanyang mga palad nang sampahan ng restraining order si Jake (Grae Fernandez) para mapalayo kay Hope (Kira Balinger).

Sa mga ginagawa ni Ellice, tuluyan na kaya niyang masira ang kanyang pamilya? Samantala, ano naman kaya ang susunod na hakbang ni Marissa matapos siyang matalo sa dalawang kaso? 

Alamin kung mananaig ang katotohanan sa mga darating na gabi sa Ang Sa Iyo Ay Akin, palabas gabi-gabi, 8:40 p.m. sa A2Z channel.

vuukle comment

IZA CALZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with