^

Pang Movies

Vice bumanat sa bakuna, ‘tinarayan’ si Sec. Roque

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Umani ng libu-libong puso at retweet ang talak ni Vice Ganda tungkol sa pinag-uusapang bakuna na binibili ng bansa.

Hirit ni Vice sa kanyang tweet kahapon : “Sa sabong panlaba nga choosy tayo e sa bakuna pa kaya. Ano to basta may maisaksak lang?! Vaklang twoooaahhh!!!”

Wala pang sagot si Presidential Spokesperson Harry Roque sa nasabing tweet ni Vice habang sinusulat namin ito.

Sinabi kasi ni Sec. Roque na “Totoo po, mayroon tayong lahat na karapatan para sa mabuting kalusugan pero hindi naman po pupuwede na pihikan dahil napakaraming Pilipino na dapat turukan.

“Wala pong pilian, wala kasing pilitan. Pero magsa-sign ka ng waiver na hindi ka nagpaturok at kapag ikaw ay mayroong prayoridad, siyempre mawawala ang prayoridad mo, sasama ka doon sa the rest ng taumbayan na naghihintay ng bakuna.”

Tumanggap ng tambak na pagkontra ang nasabing statement na ‘yun ni Sec. Roque dahil datung nga naman ng bayan ang ipambibili ng nasabing panturok kontra COVID na karamihan ayon diumano sa survey ay ayaw naman magpa-bakuna.

Nauna na ring nakatikim ng bashing si Sec. Roque sa colonial mentality dialoque nito na“Sa mga mayroong colonial mentality na gustong Pfizer, pwede po kayong maghintay, pero ang ating war­ning po eh talaga diyan lang po iyan mabibigay sa mga major na siyudad.”

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with