^

Pang Movies

Landian lang o sila na?, Derek at Ellen, todo kilitian habang nagpa-party

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Ang daming nagulantang sa Instagram post ni Ruffa Gutierrez last Monday kung saan ay makikitang nagkakatuwaan sila nina Derek Ramsay, Ellen Adarna, John Estrada and some friends sa isang dinner party.

What’s surprising (and interesting sabi nga ni Ruffa) ay ang sweet moments nina Ellen and Derek na parang may namumuong something sa kanila.

Nag-post si Ruffa ng larawan nilang tatlo nina Derek and Ellen. Tila nasa bahay sila ng aktor dahil kasama rin sa larawan ang aso nitong si Skye.

“Hanging out with my super fun neighbors @ramsayderek07 @maria.elena.adarna and Sky,” ang caption ni Ruffa.

Sinundan pa niya ito ng clips and photos sa kanyang Instagram Story.

Sa isang larawan ay makikitang intense na nagtititigan sina Derek at Ellen at caption ni Ruffa, “walang malisya @ramsayderek07 @maria.elena.adarna.”

Sa isang short video naman ay makikitang nagkakasayahan na ang grupo at tawa nang tawa si Ellen habang nasa tabi niya si Derek. Caption naman ni Ruffa rito, “this will be a very interesting evening…”

Sa isang video ay makikita na sa grupo si John Estrada na co-star ni Ellen sa bagong sitcom sa TV5. Naroroon din ang tatay ni Derek at iba pang mga kaibigan nila. They were all having fun.

Sa isang larawan ay nagpasalamat din si Ruffa kay Derek for hosting the dinner.

In one video ay makikitang nagkakantahan ang grupo at sayaw nang sayaw si Ellen.

May larawan din na magkasama sina Ellen at tatay ni Derek. Caption naman ni Ruffa, “close na sila Daddy Derek & @maria.elena.adarna.”

Sa isang video ay makikita namang naghaharutan o naglalambingan sina Derek and Ellen at may moment pa na kinikiliti ng aktres ang aktor. “LOL (laughing out loud)” naman ang caption ni Ruffa.

May video rin na nagsasayaw sina Ellen at John at sa caption, Ruffa wrote, “life goes on. BTS. Interesting view all night.”

Aliw na aliw kami sa mga comments ng netizen sa page ni Ruffa. Pinuna kasi nila ang iisang tipo nina John Lloyd Cruz at Derek sa babae, gayundin ang tipo naman nina Ellen at Angelica Panganiban sa babae.

As everybody knows, dating magkarelasyon sina Angelica and Derek, gayundin sina Angelica at Lloydie.

Nang mag-break sina Angelica at Lloydie ay si Ellen na nga ang nakarelasyon ng aktor.

Kaya kung true na may namumuong relasyon kina Derek and Ellen ngayon, para lang silang nagri-rigodon na apat.

Interestingly, naging GF din ni Lloydie si Ruffa.

Well, abangan na lang natin ang next chapter pero for sure, simula na ito ng pagkaka-link nina Derek at Ellen.

As we all know, kabe-break lang ni Derek sa Kapuso actress na si Andrea Torres last November.

Bagong opisyales ng PMPC, nahalal na

Naihalal na ang bagong  pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Naganap ang halalan noong  January  8, 2021 sa  opisina ng club sa Roces Avenue, Quezon City.

Ang entertainment editor ng Abante Tonite na si Roldan Castro ang 2021 PMPC President. Ito ang pangatlong beses niyang panalo. Una siyang naging presidente noong 2009 at nasundan ito noong 2012.

“Challenging ang pamumuno ngayong pandemya kaya sana ay sama-sama at magkaisa sa pagtatagu­yod ng club,” sabi ng bagong halal na Pangulo ng PMPC.

Bukod kay Roldan ang mga bagong officer ng PMPC ay kinabibilangan nina Fernan de Guzman bilang Vice President, Mell Navarro bilang Secretary at si Mildred Bacud bilang Assistant Secretary.

Si Boy Romero pa rin ang Treasurer ng club habang Assistant Treasurer naman si Lourdes Fabian. Si John Fontanilla naman ang Auditor at nahalal namang PRO sina Rodel Fernando at Leony Garcia. Ang Board of Directors ay binubuo naman nina Sandy Mariano, Joe Barrameda,  Eric Borromeo, Timmy Basil, Rommel Placente at Francis Simeon .

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with