^

Pang Movies

Gina Pareño minamanok talaga para sa Disney film

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Naghahanap sa bansa ang casting team ng isang upco­ming Walt Disney Studios film ng isang Filipino lola para maging part ng cast. At ang award-winning Filipino actress, si Ms. Gina Pareño, ay nag-post sa Twitter account niya na interesado siyang mag-audition for the said role.

Tweet ni Gina, “pasado ba ako ‘pag nag-audition ako sa Disney? RETWEET IF YOU AGREE!”

Sumagot agad ang followers at fans ni Gina at nag-retweet sila and tagged Disney’s Twitter pages, at wish nilang i-consider nila ang veteran actress for the role.  Ang iba nga ay natuwa at naniniwala raw sila na perfect choice kung pipiliin nila si Gina.  Ang ibang fans ay nag-share pa ng ilang eksena ni Gina mula sa mga nagawa na niyang proyekto sa movies at TV.

Ayon sa Sarah Finn Casting team ng upcoming Disney film, hindi raw kailangan ang professional acting experience.  Kailagan lamang magpadala ang mga interesado, ng short video with a self-introduction part in English, i-share nila ang tungkol sa kanilang family or favorite activity, in whatever Filipino language or dialect they prefer.

Isa rin sa requirements, dapat ang mapipiling Filipina lola ay papayagang magtrabaho sa United States, dahil ang location shooting ay gagawin sa Atlanta, Georgia.

Good luck, Ms. Gina Pareno!

Chiz, nagkumpisal kay Heart

Last Sunday, January 10, sa YouTube vlog entry ni Kapuso actress Heart Evangelista, pinost ng husband niyang si Sorsogon Governor Chiz Escudero, na wala siyang planong sumama sa 2022 presidential race. Saad pa ni Gov. Chiz, “no money, no resources, not my time, and I’m happy where I am.”

Pero kung tatakbo raw siya sa 2022 polls, may three choices siya, run for Governor again, not run, or run for the Senate if he has the numbers.

Mukha ngang masaya nang maglingkod si Gov. Chiz sa kanyang mga constituents lalo pa at lagi niyang kasama roon ang wife niyang si Heart at ang twins niyang sina Quino at Chessi. 

At tiyak na susuportahan niya si Heart at ang GMA Network team na doon magti-taping ng bagong weekly series ni Heart na I Left My Heart in Sorsogon.

Xian, nagpapasalamat pa rin

Labis pa rin ang pasasalamat ni Xian Lim na mga gamit lamang niya sa kanyang bahay ang kinuha ng sa palagay niya ay apat na taong pumasok doon.  Pero nasabi rin niya na natatakot siya para sa kanya at sa mga kasama niya sa bahay.

“Yes, I feared for my life, my mom, lola and lolo...as time passed by, I became grateful that no one was hurt,” sabi ni Xian.  “At this point, I hope na kung sino man ang nanghimasok at nagnakaw ng mga kagamitan dito sa amin ay magamit ninyo ang perang ‘yan para mapakain nang husto ang pamilya n’yo. Diyos na ang bahala sa inyo.”

vuukle comment

GINA PAREñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with