Sam kayang paiyakin si Catriona
Wow, Salve A., curious akong malaman kung ano ang message o regalo kaya ni Sam Milby sa nobyang si Catriona Gray, yes, the former Miss Universe, nang magdiwang ito ng kanyang 27th birthday last January 6.
Hindi raw napigilan ng dalaga na mapaiyak.
Kung sabagay, may pagka-romantiko talaga si Sam, which he expresses most often, well, via her online accounts.
And let’s face it, handsome rin to the max si Sam, who happens to be, too, busy with assignments most of the time.
Marami ang hanga sa kanyang performance sa series na Ang Sa Iyo Ay Akin, co-starring him with the three brilliant actress sa showbiz, sina Iza Calzado, Jodi Sta. Maria at Maricel Soriano.
KC marami ring minana kay Sharon
Aminado raw si Sharon Cuneta na mas kamukha ng kanyang panganay ang ama nitong si Gabby Concepcion.
Ganunpaman, maraming magagandang assets si KC, lalo’t intellectually, kumbaga, na alam mong minana niya kay Sharon.
Kaya nga, ‘di ba, madalas na ‘di sila magkasundo?
Until diumano’y lately lang, dahil inuunawa na nila ang isa’t isa.
Well, Sharon turned 56 last January 6.
And KC is now 36 years old.
Megan at Mikael, may bubuksang negosyo
One year exactly pa lang pala ang kasal ng international beauty queen na si Megan Young at Mikael Daez. Yes, on January 25.
But heard they have been together for nine years na. Until now, they are childless.
Heard as well that they are now residing in Subic Bay, as they plan to put up a business there.
Tapos daw nga kasi ng Business Administration si Mikael sa Ateneo de Manila University, no less.
Yet in showbiz, Mikael remains busy. He is in the cast of Love of My Life, with Carla Abellana, Coney Reyes at Rhian Ramos.
May binubuo rin daw na show, which he and Megan will co-host.
MMFF entries, showing pa rin
Kahit tapos na ang Metro Manila Filmfest 2020, mapapanood pa sa ibang streaming provider ang entries na Fan Girl, Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim, The Boy Foretold by the Stars at Tagpuan.
Panoorin daw natin, urge ng producers ng mga nabanggit na movies.
Matutulungan natin hindi lang silang producers concerned, kundi ang film industry, no less.
- Latest