^

Pang Movies

Ellen, inaming siya ang problema sa hiwalayan nila ni John Lloyd

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Finally ay nagsalita na si Ellen Adarna sa breakup nila ni John Lloyd Cruz. Sa kanyang exclusive interview sa Preview.ph as the January cover girl, inamin ng aktres na hindi sila compatible ng aktor.

“You know, we weren’t compatible, obviously, that’s why we broke up. Of course, any normal breakup hurts. You want things to work,” pag-amin ng comebacking actress. “Because I had so many issues na hindi pa na-resolve, I was projecting it on him,” sey pa niya.

Pero ngayon ay okay na raw sila at inamin niya rin naman na nasa kanya talaga ang problema that time.

“Now I’m in a very good place. I can say I’m 100% okay. I feel my environment changed. Like his approach to me, my relationship (with him has) changed without asking him to change. So I was just really the problem. (laughs). How I viewed it, my thinking pattern was the problem,” pahayag pa niya.

At dahil nga may anak sila, si Elias, ayon kay Ellen ay tina-try nilang maging mabuting magulang para sa bata.

“My son needs him as much as he needs me. I see their relationship and I see how happy my son is when he is around. So that’s why I also have to work on myself.

“Because when I had my issues with JL, (I thought), okay, if I don’t allow my son to see his father, how will I tell him (it’s) because I had animosity towards (his) father? Damay pa ‘yung bata sa mga issues ko.”

Inamin din niyang isa rin sa dahilan si Lloydie kung bakit niya tinanggap ang sitcom sa TV5 na John en Ellen with John Estrada. Kinakailangan kasi nilang mag-ina na parating lumuwas sa Manila para makasama ni Elias ang ama.

Nagkataon na ang taping ng sitcom ay natapat sa dates ng pagluwas nila at five days lang ang required taping days. “If Elias will be with his dad, and it’s only five days, hindi siya ngarag, might as well do it, right? So that’s why I said yes,” aniya.

Isa sa mga bida ng Macho Dancer, P.E. teacher  

Isang P.E. (Physical Education) teacher ang newbie actor na si Mhack Morales pero walang takot siyang pumayag sa frontal nudity sa pelikulang Macho Dancer kung saan ay isa siya sa bida. Bukod sa PE teacher ay SK (Sangguniang Kabataan) Kagawad pa siya sa kanilang lugar sa Sta. Ana, Manila.

Pero aniya ay naiintindihan naman ng school at ng mga estudyante niya ang kanyang pagpapa-sexy, gayundin ang kanyang mga ka-barangay. In fact, proud na proud pa raw ang mga ito sa kanya.

Naniniwala rin si Mhack na hindi makakakaapekto sa kanyang political career ang paghuhubad niya sa pelikula sakaling tumakbo siya ulit sa susunod na eleksyon.

Sey nga ng producer na si Joed Serrano na naroroon sa presscon, marami rin tayong mga artista na dating nagpa-sexy pero ngayon ay nirerespetong public servant tulad nina Alfred Vargas, Daniel Fernando at Yul Servo, etcetera.

Hindi rin ikinahihiya ni Mhack na dati rin siyang nagtrabaho sa isang gay bar (Apollo Entertainment Bar) para matustusan ang kanyang pag-aaral. That’s why, perfect siya talaga para sa pelikulang Anak ng Macho Dancer.

Ngayong Enero na ipalalabas ang Anak ng Macho Dancer na idinerehe ni Joel Lamangan under Godfather Productions ni Joed.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with