^

Pang Movies

Claudine gaganap na nanay ng autistic

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ngayong magaling na si Claudine Barretto matapos siyang ma-hospitalized before New Year, balitang magkakaroon ng big comeback ang actress, na matagal na ring napabalita na gustung-gusto nang bumalik sa pag-arte.

Isang heavy drama raw ang movie ayon kay Atty. Ferdy Topacio, producer ng Borracho Films na siyang magpu-produce ng comeback movie ni Claudine, ang  Nang Lumuha ang Langit. “Claudine deserves a good comeback, after all the last time she did a movie, Etiquette for Mistresses, was in 2015 pa.”

“The movie will be directed by Joel Lamangan from the script by Eric Ramos, the movie casts Claudine as the mother of an autistic child.”

Sa ngayon daw ay nagpapa-audition sila para sa actor na gaganap na autistic.  Susunod daw sila sa FDCP guideline, meaning, the actor who will play autistic is 15 years old or older.

Nang Lumuha Ang Langit is intended as a Mother’s Day offering in May.

Glaiza kailangan nang bumalik ng bansa

Kailangan nang bumalik si Kapuso actress Glaiza de Castro, mula sa holiday vacation niya sa Ireland, sa family ng boyfriend na si David Rainey, dahil may sisimulan siyang bagong teleserye sa GMA Network, ang Nagbabagang Luha.

“Narito pa nga po ako sa Ireland nang sabihin sa akin ang susunod kong project, na-excite ako and thankful,” kuwento ni Glaiza sa Chika Minute ng 24 Oras. “Excited po ako, aminado akong may kasamang saya nang malaman kong adaptation po ito ng classic movie in 1980 na pinagbidahan nina Ms. Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Alice Dixson at Richard Gomez.  Para sa akin malaking responsibilidad ang role na gagampanan ko dahil role ni Ms. Lorna ang ibinigay nila sa akin.”

First time makakatambal ni Glaiza si Rayver Cruz na siyang gaganap sa role ni Gabby, kaya excited din si Rayver sa bagong project na gagawin niya sa GMA.  “It’s good po naman na matagal-tagal na rin kaming magkasama ni Glaiza tuwing Linggo sa All-Out Sundays kaya hindi na mahirap ang pagtatrabaho namin together.”

Richard Yap, huhusgahan sa comedy

Masusubukan na kung papasa si bagong Kapuso actor Richard Yap, sa comedy.  Siya ang special guest ng actress-comedian na si Eugene Domingo, sa Sunday afternoon comedy anthology na Dear Uge, sa first fresh episode nila for 2021, ang #DearUgePresents : Jing, ang Bato! at 2:45 PM sa GMA-7.

Tuloy ang pagpapatawa ni Richard dahil kinagabihan ay special guest naman siya sa The Boobay and Tekla Show, after ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with