^

Pang Movies

Hindi na naghintay sa bigay ng lalaki, Ivana binilhan ng 8 Carat diamond ang sarili!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Hindi na naghintay sa bigay ng lalaki, Ivana binilhan ng 8 Carat diamond ang sarili!
Ivana

Ang daming natanggap na regalo ni Ivana Alawi for her birthday. As in mga luxury brand items.

Kung ‘yung iba may ipon challenge para lang makabili ng mga pinapangarap nilang luxury brands, si Ivana, dumarating na lang sa bahay nila.

Ang laki ng follo­wing niya sa YouTube kaya naman talagang chill na lang siya kahit hindi busy sa kanyang career at concentrated na lang sa pagiging vlogger.

Pero may gift daw siya sa sarili niya every birthday niya (December) and Christmas na rin.

And for this year, apat na luxury shoes ang binili niya at ang isang eight carat ring na matagal na raw niyang pinapangarap.  Regalo niya raw ‘yun sa sarili. “Bakit ako mag-aantay sa regalo ng lalaki, eh di bilhan ko na lang ang sarili ko,” sabay pakita sa mala­king diamond na may bato-bato pa sa paligid.

“It’s just a symbol to love myself. Parang gift ko talaga siya para sa sarili ko.”

Investment na rin daw niya ‘yun dahil habang tumatagal, mas nagmamahal.

Dati raw pangarap lang niya ‘yun. “Hindi ako engaged, I am just loved,” paglilinaw niya.

Saka paalala raw ‘yun to work hard  para sa mga pangarap mo.

Kc mas priority ang sarili

Rich Asian but definitely not crazy.

Hindi siya mayabang sa kabila nang kanyang pagiging youngest billionaire.

Ilan lang ‘yan sa comments ng ibang followers ni KC Concepcion matapos niyang mag-inter island via air habang nasa Palawan. Sinorpresa kasi ni KC ang mommy Sharon niya para sa birthday nito. “From one plane to the other one island to another” post ni KC habang sakay ng private plane sa El Nido.

Nauna nang nag-post si Sharon ng “KC flew back to Manila from Palawan with our dear friend Tim Yap today to take another flight to the island where I and the rest of the family are! She brought me our favorite Strawberry Shortcake and Tim brought me beautiful flowers! What a sweet surprise!”

May ilang kasing netizens na kino-compute ang gastos ni KC as if sa kanila ang money na ginagastos nito sa kanyang bakasyon.

Nauna nang nag-stay nang matagal si KC sa San Benito Farm sa Batangas na hundreds of thousands raw na gastos, tapos ngayon naman pabalik-balik ito sa Palawan.

vuukle comment

IVANA ALAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with