^

Pang Movies

Sen.Bong, inaalagaan ang agimat ng tatay

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Sen.Bong, inaalagaan ang agimat ng tatay
Bong

Actually, aside pala from Sanya Lopez, who plays Senator Bong Revilla’s main leading lady in his sort of comeback series, Agimat ng Agila, which will be aired either sa buwan ng March or April, tampok din dito actually ang mga Kapuso talents sina Michelle Dee, She­ryl Cruz, Benjie Paras at Allen Dizon.

Directing the semi-action series is Rico Gutierrez.

In any case, what excites both Sen. Bong and direk Rico about the teleserye ay ang special effects nito, na both nilang pinag-aralang mabuti sa tulong ng kanilang cinematographer bago kuhanan.

Tampok sa series ang agimat (amulet) na matagal na pinakatatagu-tago ng kanyang late dad (senator-actor Ramon Revilla Sr.) na to his death last June ay tinawag din na Agimat King.

Personal daw na ipinamana sa kanya ang agimat, ani Sen. Bong. “I promise him, I’ll take care of it.”

Plano rin ni Sen. Bong na makagawa ng action movie within the year. Medyo matagal na nga rin siyang hindi napapanood sa big screen in this genre.

Na kung sabagay, okay din lang because of the existing pandemic. Pero naniniwala daw si Sen. Bong na this year, dala raw ng ating mga dalangin, things will go back to normal.

Especially in the country we all love.

As a legislator, Sen. Bong, so far, ay may 352 nang panukalang batas at resolusyon  na kanyang naisumite na sa senado. At lahat, pawang mahahalaga at kailangang-kailangan ng bayan at mamamayan.

Keep up the good work, Sen. Bong.

Charlie, pinakasikat sa mga ka-batch

Hindi tiyak ni Charlie Dizon kung ang pakiusap niya, lalo na sa kanyang ina na huwag nitong panoorin ang kanyang Metro Manila Filmfest entry, Fan Girl, where she won Best Actress and her leading man, Paulo Avelino, the Best Actor trophy naman, ay pinagbigyan nito.

Asked why, basta marami raw kasing eksena sa movie na tiyak na ikaka-shock ng kanyang ina.

Tulad nga noong ‘nagwiwi’ si Paulo at patago niyang kinuhanan ng video. Close up, ha.

Ganunpaman, hindi mapapasubaliang sa mga kasabayan niya sa kasalukuyan, si Charlie ang sikat at talk of the town.

Bukod dito sa Fan Girl, showing pa rin ang movie niya with, among others, Alexa Ilacad, Four Sisters Before the Wedding, and on January 13, ipapalabas ang Horrorscope, kung saan tampok siya, bukod kina Elisse Joson, Paolo Gumabao, Patrick Quiroz, Fino Herrera at Iyah Mina.

Iyah, matagal bago inaming transwoman

Of Iyah Mina, 20 years old na pala siya nang binuko niya ang sariling isa siyang transwoman.

By then, he has established himself as a comedian and has even been nominated as best actress in the Gawad Urian.

He finally won the said award, yes as best actress, in Cinema One for her performance in Mamu: And a Mother Too.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with