^

Pang Movies

Jak, photographer na rin

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Habang wala pang pinagkakaabalahang lock-in taping, may bagong raket ang Kapuso Hunk na si Jak Roberto at ito ay ang maging isang photographer.

Nagsimula raw ang hilig ni Jak sa photography noong magkaroon ng lockdown last year. Dahil siya rin ang cameraman at editor ng kanyang YouTube vlog, pinag-aralan na rin niya ang photography.

Dahil sa magagandang kuha ni Jak, siya na ang pinaasikaso ng GMA Artist Center para sa latest artist portfolio nila.

Una niyang ginawan ng at-home photo shoot ay ang kapatid na si Sanya Lopez. Sumunod ay ang kanyang girlfriend na si Barbie Forteza.

May medyo na sexy shot si Barbie dahil kinunan siya ni Jak na backless pero may takip naman ang harap ng katawan niya. Heto ang kuwento ni Barbie sa kanyang YouTube vlog:

“Today is a pretty busy day because I’m gonna bring you guys with me and I will show you kung papaano kami nagpo-photo shoot dito sa bahay, kung papaano namin nate-turn into a photo studio ang aming bahay.

“Magshu-shoot kami today for our folio for GMA. Since pandemic nga po, hindi kami puwedeng masyadong marami sa studio so they opted to let us shoot na lang ourselves at home para mas safe nga naman.

“I’m pretty excited about this kasi creative ang aking mahal, so siya na ang bahala sa’kin. Super happy ako kasi we get to play with the layouts and the looks pero hindi naman super play, andoon pa rin naman si Barbie.

“Well... challenging, especially sa part mo kasi ikaw lahat. Pero masaya kasi wala tayong rules, alam mo ‘yon? May layouts pero tayo pa rin ‘yung nasusunod.”

Chef Jose, malungkot na wala si Maria Ozawa

Simula noong umuwi ng Japan ang girlfriend ni Chef Jose Sarasola na si Maria Ozawa, nag-iisa na lang pala ito sa kanyang bahay.

Noong April 2020 nagdesisyon na bumalik ng Japan si Maria dahil nagsara pansamantala ang club nito dahil sa pandemya at gusto nitong makasama ang kanyang pamilya. “It will be one year na on April since umuwi siya sa Japan. It gets lonely at times, pero kailangan tiisin natin because we all want to be with our families during these times. Tsaka meron namang Skype and Facetime, kaya we get to talk and see one another all the time,” sey ni Chef Jose.

Mabuti na lang daw at may vlog siya at may coo­king segment sa Unang Hirit kaya nase-share niya ang mga niluluto niyang pagkain. “Aside from cooking for myself, I get to cook for my audience on social media and with UH. Malaking tulong ‘yung maging Kapuso tayo because of their televiewers nationwide.”

Ngayon ay host na si Chef Jose ng 10-minute cooking show na Eat Well, Live Well, Stay Well kasama si Iya Villania-Arellano.

1D member Harry Styles, si Olivia Wilde ang bagong dyowa

Nasa dating stage na ang former One Direction member Harry Styles at Hollywood actress na si Olivia Wilde.

Ten years ang age gap ng dalawa. Harry is 26 while Olivia is 36.

Naging close ang dalawa noong gawin nila ang pelikulang Don’t Worry Darling.  Dating engaged si Olivia sa aktor na si Jason Sudeikis kung kanino meron siyang dalawang anak na sina Otis and Daisy. Noong November 2020 sila naghiwalay.

Noong nakaraang New Year weekend, magkasama sina Harry at Olivia sa isang wedding in Montecito, California.

Plus-one ni Harry si Olivia sa wedding ng kanyang manager na si Jeffrey Azoff. Ang former 1D member ang nag-officiate ng wedding na dinaluhan ng 16 people sang-ayon sa safety protocols. Naka-face mask ang lahat ng imbitado.

A source told People magazine: “They were affectionate around their friends, held hands and looked very happy. They have dated for a few weeks.”

Nasabi noon ni Harry na type niyang makarelasyon ang babaeng mas matanda sa kanya. Bago si Olivia, nakarelasyon ni Harry sina Camille Rowe, Kiko Mizuhara, Tess Ward, Kendall Jenner, Georgia Fowler, Sara Sampaio, Nadine Leopold, Erin Foster, Nicole Scherzinger, Caroline Flack, Emily Atack and Taylor Swift.

vuukle comment

JAK ROBERTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with