^

Pang Movies

Sen. Bong pinatawad na si Janine

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sen. Bong pinatawad na si Janine
Sen. Bong

Pero ‘wag daw lapastanganin ang nakatatanda

Nilinaw ni Sen. Bong Revilla na wala siyang kinalaman sa pag-alis ni Janine Gutierrez sa GMA 7. May tsika kasing lumalabas na hindi ni-renew ng management ang aktres dahil kinalaban niya ang nasabing aktor/pulitiko.

Matatandaan kasing nakapag-comment noong Disyembre, 2019 si Janine sa Twitter ng “oh God” tungkol sa pagbabalik-telebisyon ni Sen. Bong. Naging kontrobersyal ang komentong ito at umani ng mixed reactions mula sa netizens at sa mga kapwa artista. May kumampi sa kanya at mayroon din namang nagalit sa kanya at unang-una nga nga sa tumalak sa kanya ay ang manager ni Sen. Bong na si Lolit Solis.

Muling nabuksan ang issue ngayon dahil nga sa balitang hindi ni-renew si Janine ng GMA 7 at hinihinala ngang dahil ito sa hindi magandang komento ng aktres kay Sen. Bong.

Kahapon sa lunch get-together ni Sen. Bong with the entertainment press ay naitanong namin ito sa aktor/pulitiko at aniya ay may naririnig nga raw siya pero unfair naman daw sa kanya na idamay siya or sisihin siya sa paglipat ni Janine.

“Bakit (ako)? Ako pa? Walang masamang tinapay sa akin. In short, wala sa akin ‘yun kahit ano pa ang nangyari in the past, wala ‘yun. Wala akong kinalaman do’n. In fact, kung ako nga, kung sasabihing gagawa kami ng movie together, I’m very much willing to accept her as my leading lady. Pero kung hindi man, okay lang din,” he said.

Hindi raw niya alam kung ano man ang naging basehan ng GMA 7 kung totoo ngang hindi ni-renew si Janine.“Basta ako, sa aming mga magkakapatid sa industriya, kahit ano pang sabihin mo, siyempre, sa show business, mas senior ako sa kanila. Itong mga batang artista, dapat matuto rin silang rumespeto sa mga nakakatanda sa kanila, sa senior sa kanila. Huwag nilang lapastanganin ang mga nakakatanda sa kanila, hindi lang sa amin, hindi lang sa artista. Bilang respeto sa nakakaedad sa ‘yo, matuto ka ring rumespeto,” ang mensahe ni Sen. Bong.

Nilinaw din naman ni Sen. Bong na wala talaga siyang sama ng loob kay Janine at sa iba pang artista na nangba-bash sa kanya.

“I’m a very forgiving person. Pinatawad ko na ‘yung mga taong… siguro, hindi naman nila alam ang puno’t dulo niyan. Kung ano man ‘yung naririnig nila, ‘yun lang ang nakakarating sa kanila. But eventually, kung hindi man sila maliwanagan ngayon, time will come na maliliwanagan din sila. And I understand them. Naiintindihan ko kung ano ang hugot nila,” pahayag ni Sen. Bong.

Samantala, dahil nga sa showbiz siya nagsimula, kailan man ay hindi puwedeng talikuran ni Sen. Bong ang industriya na nagbigay ng pangalan sa kanya’t naging dahilan kung bakit niya narating ang kinalalagyan ngayon.

Kaya naman bilang pagtanaw ng utang na loob ay gumagawa pa rin siya ng proyekto from time to time. Sa ngayon ay natapos na niya ang bago niyang action-fantasy series sa GMA 7 na Agimat ng Agila at malapit na itong iere.

Kasama niya rito sina Sanya Lopez, Sheryl Cruz, Roi Vinzon, Benjie Paras, Michelle Dee at marami pang iba.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with