^

Pang Movies

Pamilya De Leon, high tech ang bonding

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Pamilya De Leon, high tech ang bonding

Ang medyo malungkot pero dahil sa video call ok na rin ay sina Christopher at Sandy de Leon. Lahat ng mga anak nila ay nasa abroad maliban sa isang babae na nag-aaral pa.

Imagine na ngayon pa naman na ang hirap magbiyahe, dahil nga sa pandemic kaya medyo panay na lang ang batian nila sa video call, eh iba-ibang oras ang countries kung nasaan ang mga anak nila.

Meron sa New Zealand, New York at San Francisco.

Wow ang gulo ng oras kaya nga kadalasan ay puyat sina Christopher at Sandy.

Pero hindi bale na, kon­ting sacrifice para marinig at makita ang mga anak na nasa malayong lugar.

Kaya nga sabik na uling magbalik-trabaho si Boyet habang si Sandy naman ay nasa First Yaya.

Bongga siguro ‘pag ganu’n noh, all night kang nasa computer para makipag-usap. Buti na lang. Techie talaga ang pamilya De Leon.

Jake, mabilis nakapag-adjust

Type na type ko nang marinig ko noon ang pangalang Uno Emilio. Akala ko iyon ang screen name na gagamitin ni Jake Ejercito noong una, pero nag-decide sila na ‘yung dati, na Jake, ang gamitin.

Hindi ba ang unique, ‘yung pagsabi lang ng Uno, para bang machong-macho? Saka ang dali sa recall dahil kakaiba, pero nariyan na at matagal na siyang kilala as Jake Ejercito kaya hayun, tanggap agad ng lahat ang pagpasok ni Jake sa showbiz. Nag-blend siya kaagad sa mga co-host niya sa Sunday show sa TV5, magaan at mahusay siya.

Para ngang datihan na siya kung magsalita at kumilos, at ma-appeal siya sa camera. Hindi ko pa siya napanood na umarte, pero palagay ko madali rin siyang matuto at magiging at home sa drama o anumang genre ng acting.

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with