^

Pang Movies

Anne at Erwan, malabong pang maka-uwi ng ‘pinas

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sa Tasmania nag-Pasko ang mag-asawang Erwan Heussaff at Anne Curtis kasama si Baby Dahlia.

Ang Tasmania ay isang island state ng Australia. Ito ang 26th largest island in the world. Kilala ang Tasmania for having the cleanest air in the world dahil nananati­ling untouched ang kanilang natural forests, mountains and ocean.

Nag-share ang mag-asawa ng photos sa kanilang respective Instagram accounts.

“Good Morning from my little munchkin. P.S - Parang she’s starting to look like me here,” caption ni Anne.

Mauudlot ang planong pag-uwi sana sa Pilipinas nina Anne at Erwan dahil kasama sa travel ban ang mga manggagaling ng Australia dulot ng bagong strain ng COVID-19 virus.

Plano pa naman nilang i-celebrate ang first birthday ni Dahlia sa Pilipinas, pero mukhang stay put lang muna sila sa Australia dahil sa panibagong health crisis.

Tanya, matagal pinag-isipan ang pagbalik sa trabaho

Na-miss daw ni Tanya Garcia ang umarte dahil five years ago pa raw ang huling time na maging part ng isang teleserye.

Kasama si Tanya sa cast ng Babawiin Ko Ang Lahat ng GMA 7.

Nagdesisyon daw noon na tumigil muna para maging hands-on mom siya sa tatlong anak na babae nila ng mister na si Mark Lapid.

“Na-miss ko talaga. Kasi, kahit noong four-five years sabi ko kasi ayaw ko na, siyempre, ‘yung kids ko gusto ko talagang hands on ako sa kanila. I have three girls.

“Super hands-on ako sa kanila, tapos kahit sinasabi ko na sa GMA or sa manager ko na ayaw ko na, mayroon pa ring mga offer.

“So before the pandemic, ino-offer ‘to, ‘di ba? So, parang naisip ko na kahit ayaw ko na mayroon pa rin. Baka talagang dito ako dinadala.

“Sa Rrami na ng dumadating, ‘di ba, madami nang nawala din, pero naalala ka pa rin nila and both networks, mayroon talaga. So, siguro this is for me,” sey ni Tanya.

Si Tanya ang isa sa binigyan ng GMA ng pagkakataon na magbida sa teleserye na Sana Ay Ikaw Na Nga noong 2001 at nasundan ito ng Twin Hearts noong 2003. Si Dingdong Dantes ang naging ka-love­team noon ni Tanya.

Ang co-star ni Tanya sa bagong teleserye na si Carmina Villarroel ay chinika siya para sa YouTube vlog nito at isa sa tanong ni Mina ay bakit hindi sila nagkaroon noon ng relasyon ni Dingdong?

Sey ni Tanya na girlfriend na that time ni Dong si Antoinette Taus na kaibigan niya dahil magkasama sila sa drama series na Anna Karenina.

“May girlfriend na si Dong noon. Friend ko si Toni. Siyempre, ‘pag kasama mo naman si Dong almost every day, kasi kahit walang taping, may promo or may ibang guesting, siyempre, magiging crush mo rin, eh.

“Acting kayo ng acting 24/7 na asawa mo or boyfriend mo imposible hindi mo magustuhan, it’s just that during that time talaga, I’m friends with Toni kasi, before she left nag-usap kami.

“So siyempre, ‘di ba, ako, respeto ko sa kanya kasi kaibigan ko siya. Pero siyempre gusto ko si Dong, I mean, katrabaho ko siya, eh.”

Eventually, ang nakatuluyan noon ni Dong ay si Karylle na naging co-star nila ni Tanya sa Twin Hearts.

Cookies ni Mariah planong dalhin sa Asya

Hindi pa tapos ang Christmas for Mariah Carey dahil naglabas ito ng sariling brand ng cookies. Collaboration ito ni Mariah with Virtual Dining Concepts.

Ang tinaguriang Queen of Christmas ay nilabas ang Mariah’s Cookies bilang pag-celebrate niya sa muling pag-number one sa Billboard Hot 100 ng kanyang 1994 classic Christmas song na All I Want For Christmas Is You.

Umani ng new record on Spotify ang Christmas song for the most single-day streams with 17.223 million streams.

Mariah’s Cookies has five signature flavors, including Chocolate Chunk, Triple Chocolate Chunk, Lemon Cooler, Spiced Oatmeal Raisin and Heath Bar. May special holiday variants din such as Gingerbread, White Chocolate Cranberry and Pumpkin.

Mariah’s Cookies is currently available for delivery in the US.

Balak din ng diva na i-expand ang kanyang food business in Asia kung saan marami siyang fans, lalo na sa Pilipinas.

vuukle comment

ANNE CURTIS

ERWAN HEUSSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with