^

Pang Movies

Glaiza, pinatunayang hindi pusong lalaki

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines — Marami ang nabigla nang isapubliko ni Kapuso at GMA 7 actress na si Glaiza de Castro na engaged na siya sa kasalukuyan. Talagang in love si Glaiza sa Irishman na si David Rainey at wala nang duda pa ang kanyang mapiling puso.

Ayon nga sa malalapit na kaibigan ng aktres, walang dahilan upang ilihim pa niya ito lalo pa’t noon pa man ay marami ring kumukuwestiyon sa gender ng Encantadia star.

Hindi naman nakapagtatakang pag-isipan si Glaiza kung may puso nga itong lalaki, walang na-involve sa kanyang lalaki at tila may agam-agam ang sinumang lalaking may crush sa kanya o nagtatangkang manligaw. “’Di pa lang siguro dumarating sa akin ang right guy at saka wala pa sa isip ko ang umibig dahil marami pa akong pangarap para sa sarili ko at ganun din sa pamilya ko,” minsan nasabi ni Glaiza sa interview namin sa radyo.

At ngayong nasa tamang edad at nakilala na ang right guy na nagpakislot sa matagal na tulog na puso at damdamin wala nang dahilan para pakawalan pa raw ito.

Sa Ireland nag-Pasko at magba-Bagong Taon si Glaiza kapiling ang kanyang only love na si David para pag-usapan ang nakatakdang kasalan. Simple lang ang nais na mangyaring pag-iisang-dibdib ni Glaiza at siyempre ay gagawin dito sa Pinas.

Ariel, ‘di raw bagay sa game show

Bakit Ariel?

Ano raw ang ginagawa ni Ariel Rivera sa isang game show?

Kilala nga kasi si Ariel as a recording star. Marami ang kinilig sa mga awiting binigyan niya ng buhay, damdamin at tamang kahulugan.

‘Di rin lingid sa lahat na sa unang pelikula niya with Lea Salonga at Aga Muhlach ay nagkamit na agad siya ng acting award. Kumbaga, kinilala rin siya na may ibubuga sa pag-arte sa pelikula hanggang sa napabilang na ang pangalang Ariel Rivera sa mga teleserye sa telebisyon.

Ayos lang ang variety shows like ASAP dahil marami man sila ay pawang mga host at singer ang kasama ni Ariel like Martin Nievera, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, etc. Pero sa isang show na “da hu?” ang mga kasama maliban kay Billy Crowford ay ‘di raw nababagay kay Ariel?

Lakas ng pagkakaisa, sagot sa pagbabago

Let’s help each other heal the world!

Ito lang ang maaaring paraan upang mapigilan ang krisis o paglaganap ng COVID-19 na pangunahing suliraning lumalaganap saan mang panig ng mundo.

Kaya tayong mga Pilipino, kung gusto nating makamtan ang tunay na pagbabago, kailangan natin ng lakas ng pagkakaisa. Hindi lang dito, kundi sa lahat ng panig ng kapuluan.

Bumabati po kami ng isang masaganang Bagong Taon na puno ng pag-asa at pagpapala ng Panginoong Diyos!

vuukle comment

GLAIZA DE CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with