^

Pang Movies

Lani nagpapasalamat sa diyos na nabuhay pa, isang tenga hindi na nakakarinig

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Lani nagpapasalamat sa diyos na nabuhay pa, isang tenga hindi na nakakarinig
Lani

Sa kabila nang grabeng pinagdaanan matapos gumaling sa bacterial meningitis, nagpapasalamat pa rin sa Diyos si Lani Misalucha at nabuhay sila ng asawa niya.

“Nagpapasalamat ako sa Panginoong Diyos dahil buhay ako, buhay kaming mag-asawa. Maraming salamat po sa lahat ng mga kaibigan, pamilya ko, supporters ko, na nagbigay ng prayers,” pahayag ni Lani sa Christmas edition ng The Clash last Friday night sa GMA 7.

Sa nasabing episode nga ay ikinuwento ng Asia’s Nightingale ang pinagdaanang sakit nila kanyang asawa - bacterial meningitis na akala ng karamihan ay nagkaroon sila ng COVID19. Ayon sa mayo­clinic.org : “Meningitis is an inflammation of the fluid and membranes (meninges) surrounding your brain and spinal cord.

“The swelling from meningitis typically triggers signs and symptoms such as headache, fever and a stiff neck.

“Most cases of meningitis in the United States are caused by a viral infection, but bacterial, parasitic and fungal infections are other causes. Some cases of meningitis improve without treatment in a few weeks. Others can be life-threatening and require emergency antibiotic treatment.”

Ang mister niya raw ang unang pumasok sa ICU hanggang hindi na rin niya kinaya ang masamang pakiramdam kaya diniretso na rin siya sa ICU.

“First ang husband ko ang pumasok sa ICU noong October 9.

“Saturday night, that’s October 10, hindi na talaga maganda ‘yung pakiramdam ko. Masakit ang buong katawan, parang pounding headache then dineretso na rin ako sa ICU.”

Inamin pa ng Asia’s Nightingale na bingi na ang isa niyang tenga sa kasalukuyan matapos ngang maki­pag-laban sa kakaibang uri ng sakit. “Medyo bingi, hindi pala medyo. Bingi po talaga ang nangyari sa akin, dito sa right side ko, kaming mag-asawa. Meron po kaming vestibular dysfunction kaya po kailangan namin ng alalay lagi,” pagkukuwento niya pa sa The Clash kung saan hindi niya natapos ang pagiging judge sa singing competition dahil nagkasakit na nga sila, habang nagiging emosyonal.

Pinalitan siya ni Pops Fernandez na pinasalamatan niya rin sa nasabing singing competition.

Anyway, ang akala nung una ay nagka-COVID silang mag-asawa. “Kung COVID po ‘yun madali akong makakabalik dito,” sabi pa nito.

Sinabi rin ni Lani na tinanggap na niya ang lahat kahit nahirapan siya dahil singer siya at kailangan niya ang pandinig. “Yung feeling ko napaka-helpless ako and parang hopeless na rin. Parang wala kong makitang answer right now, e. Actually, nagse-search pa rin ako kung meron pala siyang ibang sagot.

“’Di lang natin nakikita kasi iba ‘yung gusto nating sagot na matanggap. Sabi ko, okay lang kung ito ‘yung binigay na challenge then I’ll take the challenge.”

 

vuukle comment

LANI MISALUCHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with