^

Pang Movies

Angel, tumanggap ng FPJ award kahit ‘di nakatrabaho si Da King!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Si Angel Locsin ang recipient ng Fernando Poe, Jr. Memorial Award na ibinibigay ng Famas taun-taon and this year, si Angel ang tumanggap ng award. May magandang mensahe ang aktres para sa natanggap na award. Para na ring Christmas gift ito para sa aktres.

May video si Angel ng kanyang pasasalamat sa FPJ Memorial Award at sabi nito, “Isa po pinanghihinayangan ko ay hindi ako na-blessed na makatrabaho si Da King ang nag-iisang FPJ kaya ang mahandungan po ng Fernando Poe, Jr., Memorial Award ay napakalaking karangalan po sa akin. Hindi ko po akalaing makakaabot ako sa ganitong antas, tinitingala ko po talaga si Sir FPJ. Kaya nagpapasalamat po ako first sa Poe family, sa bumubuo ng Famas Digital 2020 of course, sa Megavision Integrated, ang producer ng this year’s Famas. Maraming mara­ming  salamat sa napakaling karangangalang ito.”

Marami ang nag-congratulate kay Angel sa award na natanggap at lahat ng nag-congratulate sa kanya, nag-comment din na deserving siya sa nasabing award.

Samantala, tama ba ang naisip ng netizens na ‘yung location kung saan nag-tree planting sina Angel at fiance niyang si Neil Arce ay farm nila at pata­tayuan ng kanilang bahay? Sagot ni Angel sa tanong ni Neri Miranda kung bagong farm nila ‘yun, ang sagot ni Angel, sana makapasyal si Neri para magpaturo siya ng tips kung anong magandang gawin (sa malawak na lupain siguro).

Ziggy, heartthrob in the making

Marami agad ang nag-like sa pinost ni Marian Rivera na picture ng bunso nila ni Dingdong Dantes na si Ziggy. Ang caption ni Marian ay “Official Christmas photos ni Sixto! Laki na niya!”

Hindi lang malaki na si Sixto o Ziggy, lutang din ang kaguwapuhan ng anak na one year and eight months old na. Ngayon pa lang, may nagsasabi ng heartthrob in the making si Ziggy na behave raw sa kanyang pictorial.

Tali, ‘di kinaya ni Bossing

Ang heartwarming ng video clip ng mag-amang Vic Sotto at Tali na nire-reenact ang iconic ballroom dancing scene ng movie na Beauty and the Beast. Habang pinapanood ang nabanggit na pelikula, sumasayaw naman ang mag-ama at ginagaya kung ano ang nasa eksena.

Memoryado na ni Tali ang mga eksena sa pelikula, mula sa simula ng eksena, sa pagti-turn, aliw lang dahil noong dip na, hindi nakaya ni Vic ang bigat ni Tali, tuluyang natumba si Tali at ang ending, nagpakarga na lang siya kay Vic. Maririnig ang malakas na tawa ni Pauleen Luna sa background.

Aliw din panoorin ang video na tungkol sa cookie jar na tinatanong ni Tali kung sino ang kumuha kina Vic at Pauleen. Sobrang nakakatuwa ang mga video ni Tali at kung gusto niyang maging positive ang vibes niyo, panoorin ninyo.

Sen. Bong, nagbura ng post

Bakit kaya dinelete ni Sen. Bong Revilla ang pinost niya sa Instagram na family photo nilang mag-anak na parang Christmas card? Binalikan namin ang IG ni Sen. Bong para sana i-quote ng caption niya sa kanyang post, pero deleted na ang post.

Sayang, maganda pa naman ang mensahe niya sa post at ang gandang tingnan ng kanilang family photo.

Samantala, sumayaw na naman si Bong at nangyari ito sa taping ng kanyang Agimat ng Agila. Last taping yata ‘yun ng show for this year, kaya nagkasiyahan ang cast at ‘yun na nga, napasayaw si Sen. Bong kasama ang batang cast na sina Althea Ablan, Dexter Ponce at Miggs Cuaderno. Sa direction ni Rico Gutierrez, sa January 2021 na ang pilot ng comeback TV show ni Bong.

Catriona, nanggalaiti rin sa pulis na namaril

Nagpahayag din ng galit si 2018 Miss Universe Catriona Gray sa pagpaslang ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya at Frank Gregorio.

“Outraged and heartbroken. The fact that it happened in broad daylight, surrounded by others, in front of their own children. When a video makes it real... I can’t help but think of all the times there were no cameras, no witnesses.... no video... no justice.”

vuukle comment

FPJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with