^

Pang Movies

Sylvia, tatapatan si Nora

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Hindi pa man naipapalabas ang pelikulang Isa Pang Bahaghari ni Superstar Nora Aunor, iniintriga agad na matatalbugan ito sa award ni Sylvia Sanchez. Pagtatanggol naman ng isang netizen kay Guy, paano naman daw ito hindi masasapawan ni Sylvia, istorya ng kabaklaan ang naturang pelikula kung saan tampok sina Phillip Salvador, Michael de Mesa at late Eddie Garcia. 

Napapangiti naman si Guy kapag napag-uusapan na noong magsama sila ni Ipe sa movie na Bona ay naging stalker daw siya ni Ipe. 

Anyway, it’s about time na manalo ng award si Sylvia dahil mahusay siyang artista at pinatunayan sa pelikulang Coming Home na pinagtambalan nila ni Jinggoy Estrada.

Well, good luck, Sylvia.

Gloria, ayaw payagan ng anak na lumabas

Simple lang ang naganap na birthday celebration ng dating Movie Queen Gloria Romero noong December 17. Kasama niyang mag-celebrate ang nag-iisang anak na si Maritess Gutierrez at apong si Christopher. Bawal pa kasi siyang lumabas ng bahay ngayon dahil sa COVID attack at ayaw siyang payagan ng apo at ng anak na masarap namang magluto at nagmamay-ari ng restaurant business.

Ito ang ika-87th birthday ni Tita Glo at nagpapasalamat siya sa mga blessing na natatanggap. Napapanood pa rin siya sa programang Daig Kayo ng Lola Ko ng GMA.  

Sean, suwerte

Nagmistulang Santa Claus ang dating That’s Entertainment Monday group na si Joed Serrano dahil sa sunud-sunod na pelikulang ginagawa ng production nito. Isa na rito ang Anak ng Macho Dancer starring Sean de Guzman. 

Suportado si Sean ng mga bigating star noong araw na sina Jaclyn Jose, Rosanna Roces, Jay Manalo at Allan Paule, introducing naman ang isa pang baguhang aktor na si Rey Gumera.

Masuwerte ang ilan sa mga baguhang discovery ni Joed dahil binigyan niya ito ng house and lot. Sa totoo lang, sa tagal namin sa showbiz, ngayon lang nangyari na may nagbigay na producer ng house and lot sa isang artista lalo pa’t baguhan lang ito at wala pang napapatunayan sa takilya. 

Marami namang extra ang natuwa dahil nagkaroon sila ng raket bago mag-Pasko na common knowledge naman sa lahat ang hirap na nararanasan ngayon sa showbiz. Sana dumami pa ang mga producer na kagaya ni Joed na nakakatulong sa mga taga-showbiz. Ang problema at katanungan lang, saang sinehan nga ba ito maipapalabas gayung sarado pa ang mga sinehan. 

vuukle comment

NORA AUNOR

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with