^

Pang Movies

Jinggoy, ayaw pang pag-usapan ang 2022 election

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Jinggoy, ayaw pang pag-usapan ang 2022 election
Jinggoy

Tanong lang, Salve A.: Seryoso kaya si Sen. Manny Pacquiao, yes, our Pambansang Kamao, sa balak daw nitong pagtakbo for President sa 2022 election?

Ask ko lang, Salve A., kung iboboto mo siya?

Samantala, si former Senator Jinggoy Estrada, when asked during the presscon for his Metro Manila Filmfest entry, Coming Home, with Sylvia Sanchez as his leading lady, kung may balak siyang tumakbo for whatever office in the 2022 election, merely smiled and said, too early pa para pag-usapan ang election na two years from now pa magaganap.

Mag-focus daw muna tayo sa pagdarasal na matapos na itong iniinda nating pandemic.

At sana maging successful ang nalalapit nang magsisimulang MMFF.

MayWard, excited na sa Pasko

Sa presscon ng soon-to-be released movie, Princess DayaReese, hindi man tiniyak both nina Maymay Entrata at Edward Barber na magkasama nilang ise-celebrate ang Pasko, excited sila both, as after Christmas and the New Year, ire-release ang new team-up nila.

Labis daw na masisiyahan ang kanilang followers kapag napanood ang Princess DayaReese.

Dual role ang ginagampanan ni Maymay na ayaw pang ibunyag kung na-in love ba sa both roles na ginagampanan niya si Edward. “Basta ang tiyak ko,” ani Maymay with pride, “We have a good and entertaining movie.”

Charlie pinagdudahan ni Paulo

Natuwa ang baguhang si Charlie Dizon sa positive na comment ni Paulo Avelino, yes, sa kanyang performance sa Fan Girl, their first project together.

Alam daw kasi niyang, at first, duda si Paulo na magagampanan niya nang mahusay ang role, which is that of an avid tagahanga ng isang sikat na aktor na aksidenteng napasok ang bahay nito, including his private room.

Likas na mahiyain sa tunay na buhay daw kasi, ayon kay Charlie, ni lapitan siguro si Paulo ay hindi niya magagawa na nangyari raw sa kanya nang unang makadaupang-palad niya si Richard Gutierrez, a former big favorite niya. “But now that I’m in showbiz, too, I want to assure ang mga fans na mababait kaming artista.

“Kaya nga siguro nagampanan ko nang nararapat ang role ko sa Fan Girl,” ani Charlie.

No wonder, humanga sa kanyang performance si Paulo.

Charlie has a new movie, Four Sisters Before the Wedding, where she has for co-stars sina Belle Mariano, Gillian Vicencio, plus Alexa Ilacad.

JM, hindi sanay na bakante

JM de Guzman, now a reservist sa Philippine Air Force, makes sure that he follows daw health guidelines, lalo pa nga raw at naghihintay siya sa bagong assignment.

He admits na mahirap sa isang artista ang walang regular na show lalo’t in his case na hindi sanay na walang ginagawa.

Kasama siya sa series na U-Turn nina Kim Chiu at Tony Labrusca.

vuukle comment

JINGGOY ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with