^

Pang Movies

Aspiring singer nadiskaril ang career, nakabuntis ng staffng sinalihang contest

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nadiskaril pala ang career ng isang aspiring male singer dahil nagkaroon na ito ng anak.

Sinuportahan ng mga magulang ang hilig ng anak sa pagkanta. Hindi man pinalad sa sinalihang contest, nagtuluy-tuloy naman ang pagkanta niya.

All of a sudden, nawala siyang bigla sa limelight. Nang magkrus ang aming landas, binulong niya sa amin na may anak na siya.

Palibhasa guwapo at makinis, nalaman naming natipuhan siya ng isa sa staff ng contest na sinalihan. Hayun, nabuo ang bata!

May balita kaming nagbalik sa pag-aaral si male singer at ang parents niya ang sumusuporta sa anak.

Shaina, iba na ang priorities

Adventurous sa pag-ibig si Shaina Magdayao noong bata pa siya. “Pero ngayon, hindi na. Iba na ang priorities ko ngayon,” sabi ni Shaina sa virtual presscon ng festival movie niyang Tagpuan.

Adventurous kasi ang character ni Shaina sa movie. Natutuwa rin siya sa papuri ng lead actor na si Alfred Vargas.

Bago ang Tagpuan, nagkasama sila ni John Lloyd Cruz sa isang movie pero cameo lang ang partispas­yon nila. Hindi pa napapalabas ang nasabing pelikula.

May gagawin pang movie ang dalawa pero natigil ang shoot nito dahil sa pandemya.

Anyway, panlaban din sa acting award ang performance ni Shaina sa pelikulang Tagpuan na isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival 2020.

vuukle comment

SHAINA MAGDAYAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with