^

Pang Movies

Barbie humugot ng husay kina Robert at Isay

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Labis ang pasasalamat ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza na siya ang kinuha ng Magpakailanman para bumida sa special Christmas presentation at all-new episode ng #MPK ngayong Sabado, December 19.

“First time ko po kasing makakatrabaho ang dalawang mahuhusay na stage actors and singers na sina Sir Robert Seña at Ma’am Isay Alvarez,” kuwento ni Barbie.  “Yes, napapanood ko na po sila on stage, sa Rak of Aegis, pero ang makasama sila sa isang project, ngayon lang. Ang huhusay nila, ang babait pa, at hindi ko rin alam na kalog pala silang pareho, samantalang seryoso at drama ang episode namin. Pero humugot po ako sa husay nilang umarte.”

Nakakaantig sa puso ang kuwento ni Bing (Ro­bert), isang ama na pinatunayan sa kanyang mag-ina ang walang hanggang pagmamahal niya sa kanila.  Pero ang simula ng story ay larawan sila ng isang masayang pamilya, si Bing, si Joji (Isay) at ang anak nilang si Aly (Barbie). Subali’t isang malaking dagok ang kanilang kakaharapin nang magkasakit si Bing at tuluyan nang mawala. Kaya naman laking gulat na lang ni Aly nang makatanggap siya ng sulat mula sa namayapang ama.  Ano kaya ang laman ng sulat na natanggap ni Aly? Susundin kaya ito ni Aly? Mapapanood ito mamayang gabi, 8:15PM  mula sa direksyon ni Jorron Monroy.

Mavy Gustong makatambal si Kyline

Mukhang magkakahiwalay na agad ang kambal nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel, sina Mavy Legaspi at Cassy Legaspi, dahil pareho na silang may separate na projects na gagawin. Si Cassy ay nasa lock-in taping na ng First Yaya kasama nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez. Si Mavy naman ay may weekend comedy-gag-variety show na Flex. Makakasama ni Mavy bilang Flex leaders sina Lexi Gonzales, JD Domagoso, at Althea Ablan.  Sila ang tatawaging Gen Z artists na ipapakita nila ang husay sa musical performances, gags, sketches at talent competitions.

 Para kay Mavy kung ang twin niya ay may First Yaya, with JD Domagoso, gusto naman niyang makatambal si Kyline Alcantara sa isang teleserye. “Gusto kong makatrabaho si Kyline, because she’s really good.”

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with